Nagising ako sa pakiramdam na may mga matang nakamasid sa akin kaya naman dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata.
Una kong nakita ang nag aalalang mukha ni Mama na nakaupo sa gilid ng kama ko.
"Mabuti't gising ka na anak. Kamusta ang pakiramdam mo ?"
"Okay naman po. Ano po bang nangyari ? Paano po ko nakauwi dito?"
Tumingin muna ito sa pinsan kong si Suiren na nandito din pala at tahimik lang na nanunuod sa amin.
"Dala siguro ng sobrang pagod mo anak kaya nawalan ka ng malay. Saktong napadaan naman si Szoren sa work mo para dalawin ka."malumanay na paliwanag ni Mama.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkadismaya ng ibang pangalan ang narinig ko.
"Maiwan ka muna namin para makapagpahinga ka pa. Ikukuha na din kita ng makakain."paalam ni Mama bago ko halikan sa noo."Halika na Suiren."aya nito sa pinsan ko.
Tinanguan ko lang ang pinsan ko ng sumenyas itong babalik siya.
Nakalabas na sila Mama at Suiren, ako na lang ngayon mag isa sa kwarto ng maalala ko yung scrapbook at tula na galing kay Fierro. Hinanap ko ito at agad ding nakita ng ibaling ko ang aking tingin sa mesang malapit sa kama ko. Umusod ako ng konti para sana abutin ito pero napatigil ako sa mahinang katok na iyon. Napatingin ako sa pinto ng aking kwarto.
Bigla ang kabang nabuo sa dibdib ko ng makita kong may pumipihit sa seradura ng pinto para ito'y buksan.
Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at agad akong umayos ng higa bago ko ipinikit ang mga mata ko.
Pinakiramdaman ko mabuti ang paligid ko ng makarinig ako ng mga hakbang papalapit sa kama ko habang pigil ko ang aking pag hinga.
Ano ba itong ginagawa ko ? Tsk.
Ramdam na ramdam ko din ang konting paglubog ng kama sa gawing kanan ko ng may umupo dito.
Si Suiren kaya ito ?
Pero bakit amoy lalaki naman ata. Hindi kaya si Szoren ?
Bahagya akong nagulat ng maramdaman kong may mga daliri na hinahawi ang buhok kong nakaharang sa aking mukha.
Dinig na dinig ko kung paano nagpakawala ng buntong hininga ang kung sinuman nasa tabi ko.
"Naaalala mo ba ito ? Ganitong ganito yung araw na iyon."
Hindi ko inaasahan na ang boses na iyon ang babasag sa katahimikan ng kwarto ko. Ang boses na iyon na pag aari niya. Ang boses na sobra kong namiss sa loob ng limang taon. Ang boses na pag mamay-ari ng hari ko.
Patuloy pa rin ako sa pagpapanggap na tulog ng muli siyang magsalita.
"Ganito yung araw kung saan naabutan kitang nakahiga din noon."sabi niya."Na parang isang prinsesang naghihintay sa kanyang prinsipe para gisingin siya.. sa pamamagitan ng isang halik."
Mas lalo ko atang napigil ang aking paghinga ng marinig ko yun sa kanya at maramdaman ko ang kanyang hininga sa aking mukha. Nagsimula na naman tuloy sa pagparty ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito.
Oh my gosh ! Anong balak niyang gawin ?
"Please open your eyes Belle. Alam kong gising ka."swabeng bulong niya sa akin dahilan para unti-unti kong idinilat ang aking mga mata.
Halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin habang ito'y tila nasisiyahan sa nakikitang reaksyon ng mukha ko. Bigla tuloy akong na concious sa itsura ko.
BINABASA MO ANG
The Rule Breaker
Short StoryKaibigan mo ? Pero gusto mo. Kaibigan mo ? Pero kinikilig ka. Kaibigan mo ? Pero nagwawala puso mo. Ang tanong.. Gusto ka din ba ? Eh di ba nga may friend rule ... BAWAL MAINLOVE SA KAIBIGAN. Or else ... F.O na ang ending. Aw !