Unti-unti kong minulat ang mga mata ko.
Andito parin pala ako sa bahay nila Dew.
Tumayo na ako at akma ng lalakad sa pintuan ng mapadaan ako sa harap ng salamin.
Naka gown pa pala ako.
Ang ganda-ganda ng suot ko. Kaso....
Hindi natuloy ang araw na pinaka hi-hintay ko.
Nag simula nanamang tumulo ang mga luha ko. Hindi pwede. Kailangan kong magpakatatag.
Kinuha ko ang cellphone ni Dew at saka ako bumaba. Uuwi na ako. Kailangan ko munang mag-isip.
Habang pababa ako. Napansin kung walang katao-tao sa bahay nila. Syempre lahat imbetado sa kasal namin. Pati mga katulong nila imbetado.
Lumabas na ako. Saka sumakay sa motor. Baka nag aalala na sila sakin.
Pagka-uwi ko sa bahay nadatnan kung umiiyak si Mama habang si Papa naman eh pinapatahan siya.
Andun din ang mga magulang ni Dew na walang ng magawa kundi ang humingi ng tawad kila Mama. Salubong parin ang kilay ni Kuya CK na nakatingin kay Kuya JA.
Nagulat sila ng makita nila akong nakatitig sa kanila ng walang ka-emo-emosyon.
"Anak!" sigaw ni Mama sakin habang papalapit.
"Ok kalang ba anak? A-ano.... S-sankaba n-nagpunta? B-bat n-namamaga yang m-matamo?" nauutal na sabi ni mama sakin. Hindi ko nalang siya sinagot at dumiretso na sa kwarto ko.
Ang sakit ng ulo ko.
Patapon kung nilagay yung cellphone ni Dew sa kama ko. Pagkatapos eh hinubad yung wedding gown ko tyaka kinuha yung tuwalya at naligo na.
Nakakapagod umiyak.
KINABUKASAN
Umalis ako sa bahay namin ng wala man lang paalam. Dala dala ko yung bag ko na may lamang mga damit ko.
BINABASA MO ANG
MISSION: Saving My Man [On-Going]
Teen FictionNawala siya sa mismong araw na ikakasal kami. Buong akala ko iniwan niya ako kasi ayaw na niya sakin, na naisip niya na isa lang akong malaking problema sa kanya, at naisip kung kaya niya ginawa yun ay dahil HINDI NA NIYA AKO MAHAL. Pero mali. Mal...