Sa wakas at totoong naranasan ko naman ang ikekwento ko sa inyo!! :)) Sana magustuhan ninyo!!
--------------------------------------------
Nung bata ako madalas akong maiwan mag isa sa bahay namin...
At isang araw.. Linggo non at naiwan na naman akong mag isa sa bahay..
Dahil sa natatakot ako sa mismong bahay namin napagdesisyonan kong manood na lang t.v
Nanonood ako ng Pepito Manaloto ng may maramdaman akong kakaiba...Pero hindi ko muna iyo pinansin..
Ay!! I forgot to mentiin na tuwing naiiwan akong mag isa sa bahay namin may hawak akong batuta o di kaya ay kutsilyo..
Pang protekta! Pero ang hawak hawak ki nung time ba to eh batuta naman..(madalas lang ako gumamit ng kutsilyo natatakot kasi ako baka masaksak ko sarili ko (: )
Nagcommercial na at talagang naiihi na ako pero ayokong umalis sa pwesto kasi nga takot ako..
Mula sa pagkakahiga ay umupo ako.. (bakit?! wala lang!)
Napansin ko namang lumubog ng bahagya yung kabilang bahagi ng kutson na para bang may nakatabi sa akin kaya natakot ako at talagang nagtaasan ang mga balahibo ko..
Dahil sa takot naihampas ko sa part na nakalubog yung batuta at bigla itong nawala..
Hindi ko na nga iyon pinansin hanggang sa makarating ang mama ko at mga kapatid ko..
--------------------------------------------
Nung kinwento ko ito sa mga kaklase ko tumawa sila kasi nung hinampas ko nawala sabi nila nasaktan daw yun..
Pero takot na takot po ako nung gabing yon..
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorBABALA! WAG MO ITONG BABASAHIN NG GABI KUNG WALA KANG KASAMA!!!