Sana Maulit Muli - Part 1

244 8 2
                                    

February 26, 2015

Karylle's POV

Ngayong araw na ang Pinakahihintay ko, Ikakasal na ako sakanya, Magiging akin na rin siya.

"Anak, Ang Ganda ganda mo." Biglang sumulpot si Mama sa Likod ko at tinignan ako sa salamin, napangiti na lang ako ng makita ko din ang sarili ko.

"Ma ang saya saya ko" Excited kong sabi kay mama at hinawakan ang kamay niya na nakapatong sa Balikat ko.

"Ako din nak, ang Prinsesa ko magiging Reyna na." Teary eyed na naman siya, yinakap ko nalang si mama

"Maaa.. Wag ka ngang umiyak, naiiyak na din ako eh." Nakakahawa talaga si Mama pag umiiyak, pinunasan ko nalang ang mga luha ko at nagretouch ng kaunti, malapit na talaga, konting tiis nalang.

"Basta palagi kayong bibisita ni Vhong sa bahay ah." Tumango lang ako kay Mama, Alam ko namang mamimiss niya ako eh ganun din ako, pero di talaga maitatago ang Saya na nararamdaman ko, marami din kasi kaming pagsubok bago kami humantong sa kasalanan, at sobrang saya ko kasi kami na talaga ang para sa isa't isa.

Tok Tok Tok

"Maam, Within 5 minutes aalis na tayo." Napangiti ako ng narinig kong malapit na kami aalis, malapit na, magiging Mrs. Navarro na ako.

--

Vhong's POV

Nandito na ang mga bisita sa simbahan, handang handa na din ako, Sobrang excited na talaga ako, Biruin niyo 5 years na kami, at ngayon ikakasal na kaming dalawa, mahal na mahal ko siya kaya gusto kong Tumanda kasama siya.

"Kuys, Eto na talaga, Magiging 'husband' ka na talaga." Sabi ni Billy at tinap ang Balikat ko.

"Oo nga kuys eh, Tanda mo, Noon sabi niya di daw ako ang papakasalan niya kasi mayabang ako, pero ngayon ikakasal na siya sa akin." Sabi ko naman kay Billy.

"Eh mayabang ka naman talaga."

"Araaaay!"

"Baliw."



Karylle's POV

"Anak, Halika na, Kailangan na nating umalis." Ngumiti muna ako sa salamin at tumayo, Pinikit ko ang mga mata ko at linapitan kagad si Mama.

Paglabas namin nakita ko ang Wedding Organizer, Sasabay kasi siya sa'min, Agad kaming sumakay sa Kotse.

"Maam, Are you Excited?" Tanong ng WO na nakaupo sa Tabi ng Driver, Nginitan ko lamang siya at tinanguan, sobra sobra pa sa Excitement ang nararamdaman ko ngayon.

Medyo kinakabahan lang ako ngayon, I don't know pero something's Bothering me, Haay, Pero K Just think of Vhong, siya lang ang pampawala ng Kaba mo.

//Flashback//

"Sa tingin mo nakapasa ako sa Exams?" Kabado kong tanong kay Vhong na kasalukuyang kumakain.

"Oo naman Mahal, Bakit ba kabadong kabado ka?" Sabi niya at tinignan ako.

"Eh baka kasi di ako makapasa, ikaw nga nakapasa na, eh ako? Di pa alam, gusto kitang makasama sa trabaho noh." Sabi ko naman at umupo.

"Haaay, Halika nga dito mahal." Kinuha niya ang kamay ko at pinalapit pa ako sa kanya sabay akbay.

"Wala kang rason para kabahan ka, kasi alam mo? Kung nasan ako, nandun ka, kung nasan ka, nandun ako, kaya kung nakapasa ako, for sure makakapasa ka din, kasi Walang makakapaghiwalay sa atin." Napangiti nalang ako, dahil kahit ang corny corny nun para sa'kin yon na ang pinakasweet na sinabi niya.

Sana Maulit Muli | VhongRylle One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon