Kaisey and her bubble-head

70 3 4
                                    

Kaisey and her bubble-head.

CHAPTER 1

*Kaisey's Point of View*

"Weh?!Di nga seryoso ka?! Break na sina Zayne at Heide???". Halos mapaos na ako sa pagsigaw sa balitang narinig ko mula kay Jinkee. Di nga break na si Zayne labs ko at si Heide-y froggy? Haww haww de carabao?

Eh kasi larawan na sila ng isang perfect couple yun bang nilikha na talaga ng destiny para sa isa't-isa, yun bang pag-nakita mo sila ang una na agad papasok sa isip mo ay ang mga salitang "MEANT TO BE". Kasi si Zayne ang School President, siya din ang captain ball ng Britain Bulls, aba! Simula pa lang nung first year highschool, hanggang ngayong fourth year na kami, siya ang nagsisilbing leader at tagapagpanalo ng team namin. Three-time Champion na kami pagdating sa basketball sa PALARONG PAMBANSA, at lahat yun ay dahil kay Zayne. At isa pa siya lang din naman ang Top 1 ng BU, lagi kaya siyang perfect pag-finals.Habang si Heide naman, pambato ng BU sa Beauty Contest, hindi lang naman kasi beautifully ang lola natin eh, brainy din. Pero marami ang naiinis kay Heide, hindi lang dahil naging sila ni Zayne pero dahil sa sobrang pagmataray at pagmamaldita niya, pati nga ang mga prof. namin eh! Ayaw lang siyang paalisin dito dahil pagnagkataon wala na kaming pambato sa mga beauty contest, pano lahat ay beautifully lang, walang brainy!

Diba? Sobrang kompatible nila?

"Eh bakit daw ba sila naghiwalay?" tanong ko ulit kay Jinkee.

"Aba malay ko! Chismosa lang teh? Alam mo magpasalamat ka na lang at hiwalay na sila, okey?" Kung hindi ko lang kaibigan to eh baka kanina ko pa to nasapak!

"Sorry po! Nagtatanong lang dahil ako ay isang batang babaeng naku-curious."

"Ito naman si beshay! May pa-drama effect pa! Ang alam ko naghiwalay sila dahil SAYO!"

"Sakin? Teka anung ginawa ko? Bakit gusto ba daw ako ni Zayne my labs? Naiingit daw ba sa kin si Heide?" tanong ko kay Jinkee, pero paanong ako eh kahit nga maging classmate o maging ka-table sa canteen eh in my dreams lang tapos ako ang dahilan sa kanilang paghihiwalayan? Wow, Lord! Spell H-I-M-A-L-A.

"Beshay agad-agad?! Joke lang yun syempre hindi ikaw at never magiging ika. Tignan mo na lang class A sila at tayo class F, kahit ang pangalan natin any hindi malalagay sa Top 100 ng BU pag-finals! Hindi na uso ang assumera ngayon." Sabay tapik niya sa balikat ko.

"JINKEEEE! Parang gusto kitang kalbuhinnn!".

"Teka hindi friend, ano kas--"

"Jinkeeeee!!" hindi ko na ma-kontrol ang mga kamay ko, teka luhhh!

"FRIEND KASI SINUGOD NI DRAKE SI ZAYNE DAHIL SA ISANG BABAENG GUSTO NI DRAKE NA MAY GUSTO KAY ZAYNE. NAGHIWALAY SILA DAHIL YUNG GIRL, YUNG GIRL NA YUN, AY SI HEIDE AT,AT SI HEIDE AY NAKITANG NAKIKIPAGHALIKAN KAY DRAKE SA STORAGE ROOM. Wag mo na kong kalbuhin girl, dali na wala na nga akong utak wala pa akong buhok pag nagkataon!!"

Noon din ay natauhan ako, si Drake, si Drake, si Drake na bestfriend ko. Sinong mag-aakala na sisira sa relasyon ng pinaka-compatible na mag-dyuwa ng BU? at magbibigay daan sa dreams ko na maging akin si Zayne?

"Kaisey!" sigaw ni Jinkee. Habang winawagay-way ang kamay niya malapit sa muka ko.

"Ahhh. Hehe, Jinkee.. Heheehe, nasan si Drake?"

"Ayy Kaisey yung mga panahong ganito dapat hindi mo muna kinakausap si Drake lalo na't gany--"

"Nasan si Drakey, Jinkee?".Tinotono ko ng may suspense ang boses ko para medyo makatotohanan na nababaliw na ako.. wahahah! Crazy people always win...sinong nagsabi noon?hmmm edi ako nalang.wahaha!

Kaisey and her bubble-headTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon