The Dawn. Marco's Diary

133 2 4
                                    

Marco's Diary

May 13, 2005

Pinagalitan ako nina mama at papa. Umaasa sila na makakapag-graduate ako. Hindi pala. Bumagsak ako sa dalawang subject: Math at Values. Kung sa mga numero, given na na babagsak ako. Pero akalain mo 'yun? Values na lang, bumagsak pa ako. Binigyan ako ng failing mark ni Mrs. Ramos matapos masangkot ako sa kaguluhan na hindi naman ako ang nagsimula.

Naiinis lang ako sa tuwing maaalala yun. Lalo pa na grounded ako ngayon. Hindi ako pinayagan na lumabas ng bahay. Walang barkada. Walang gimik. Walang katuwaan. Yan daw ang kabayaran na dapat kung bayaran sa loob ng mga araw na walang pasok.

Dalawang linggo na akong nakakulong lang sa kwarto. Nabuburyong na nga ako. Ka-chat ko naman mga kaibigan ko, pero iba pa rin kapag kasama ko sila. Katatapos ko pa lang maglaro ng zombie game na "Left for Dead". Pero pagkatapos kong pumatay ng mahigit na isang daan, tinamad na naman ako.

Lumabas ako ng kwarto. Wala sina Mama at Papa. Kasama ng mga ito ang kanilang bunso na si Terry para mag-grocery. Pumunta ako ng kitchen para kumain nang makaramdam  ng gutom. Hindi ako bumaba kaninang agahan nang tinawag ako ni mama. Gusto niyang ipakita sa mga ito na masama rin ang kanyang loob sa sanction plan nito. Pero nag aalburuto na ang mga bulate niya.

"Yaya Meding!" tawag ko sa katulong namin. Walang sumagot. Pero may narinig siyang ingay sa kusina kaya alam niyang naroon ito doon.

"Yaya Meding, ano po ang niluluto---

Hindi ko na natapos ang iba ko pang sasabuhin ko nang makita ko ang katulong namin na nakabulagta. Wala na ang mukha nito na naliligo ng mga dugo. Nasa ibabaw nito ang hardinero nila na si Mang Renato. Sarap na sarap na dinidilaan ang isang eyeball.

Nanlalaki ang mga mata ko. Dahan dahan akong umatras palayo ng kusina. Takot na takot ako na gumawa ng ingay. Pinatay ni Mang Renato ang katulong nila! Sa ekspresyon ng mukha nito ay natutuwa pa ito. Sa oras na makita siya nito ay baka siya pa ang isunod nito.

Di sinasadyang nasagi ko ang vase. Nahulog iyon at lumikha ng malakas na ingay. Bago pa ako makatakbo ay nakita ko na si Mang Renato na tumayo at handa na akong sugurin. Walang lingon-likod na tumakba ako palabas ng bahay. Sinisigaw ko ang pangalan ng isa pa naming driver.

"Mando! Ihanda mo ang kotse bilis!"

Walang sumagot sa akin. Nakita ko si Mando na nakahandusay sa damuhan. Duguan ito at putol ang kaliwang kamay. Gusto kong masuka pero itinuloy ko lang ang pagtakbo. Umikot ako sa likod bahay at inakyat ang bakod.

Bago pa ko makababa ay hila na ni Mang Renato ang isa kong binti. Pinagsisipa ko ito. Nabitawan ako nito ngunit nawalan ako ng balanse. Bumagsak ako sa kabilang panig ng bakod.

Umikot ang paningin ko at saka dumilim ang paligid.

Zombie DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon