The Dawn. Rupert's Diary

92 3 2
                                    

Rupert's Diary

May 13, 2005

“Tara, dalawin natin si pareng Marcus. Siguradong nabuburyong na yun dun sa bahay nila,” sabi ni Isaac. Nasa bahay namin siya at pinakikialaman ang pwede pang mapakialaman sa bodega namin.

          “Sige. Ka-chat ko nga kanina. Mababaliw na nga daw siya dun sa bahay nila sa walang magawa,” sabi ko.

          “Tamang-tama, ayos na ‘tong bisekleta mo. Akin na ‘to ha, sabi mo yan kanina.”

          “Oo, sa’yo na yan kung sa’yo. Tara, hintayin kita sa labas.” Kinuha ko sa ang bisekleta ko na naka-tali sa garahe namin. “Aling Azon, pakisabi kay mama, labas lang kami saglit.”

          “Sakto. Ayos ang takbo ng bisekleta na ‘to,” sabi ni Rupert pagkalabas sa bahay. “Tara, paunahan o.”

          Pagkasabi niyon, mabilis na pinasibad ko ng takbo ang bisekleta ko. Sinita pa kami ng guard ng subdivision. Mabilis na narating na namin ang bahay nina Marcus.

          “Pareng Marcus, yoohoo!” tawag ko sabay pindot ng doorbell.  Naka-ilang pindot na kami, pero hindi pa rin kami nilalabas nito. “Pambihira, mukhang walang tao. Tara balikan na lang natin. Dun na tayo sa likod dumaan. Mas mabilis yan pabalik sa amin.

          Nang nasa may kanto na kami ng isang street, bigla na lang may humarang sa amin. Parang nanghihina ito, nagsasayaw na lumalakad. Agad na nakilala namin yung tao.

          “Pareng Marcus!” pinahiga ko muna ang bisekleta ko at nilapitan ang kaibigan namin na ngayon ay naka-upo sa kalye. “Anong nangyari sa’yo.”

          “Saan ka ba galing?” tanong naman ni Rupert. “Pumunta kami sa inyo pero wala namang tao.”

          Kinuwelyuhan ako ni Marcus. “Pare, hindi kayo maniniwala sa nangyari sa akin. Totoo sila. Totoo sila. Kitang-kita ko.” Nag-papanic na sabi niya.

          “Easy lang. Ano bang nangyari. Sinong totoo?” sabi naman ni Isaac.

          Imbes na sagutin, tumayo si Marcus. “Kailangan na nating umalis. Baka masundan niya ako. Tara! Saka ko na ipapaliwanag sa’yo.”

          Naguguluhan man ako, sumunod naman kami sa sinabi niya. Pinaangkas ko siya sa likod ng bisekleta ko. “Ano ba kasi ang nangyayari sa ‘yo?”

          “Huwag ka na munang magtanong. Basta, dapat makalayo sa lugar na ‘to ngayon din.”

          Liliko sana ako sa street kung saan ang shortcut papunta sa bahay namin, pero pinigilan ako ni Marcus. “Huwag diyan. Delikado. Bumalik tayo, dun tayo sa main gate ng subdivision.”

          “Bakit hindi pwede?” tanong ni Isaac.

          Nasagot ang tanong ni Isaac nang may narinig silang tilian at sigawan. Takbuhan ang mga tao pasalubong sa amin. “Ate anong meron?” tanong ko, pero hindi niya ako pinansin.

          “Pare bilisan mo, umalis na tayo,” atat na atat na sabi ni Marcus.

          Saka lang ako naliwanagan kung bakit nagmamadali si Marcus na umalis sila. Tumambas sa amin ang ilang mga tao na nagtatakbuhan din, duguan mula sa mukha hanggang damit. Nang may mahabol ang mga ito, parang mga piranha na pinagpiyestahan ng mga ito ang kawawang tao.

          Puta! Zombie!

          Walang lingon-likod na pinatakbo ko ang besikleta ko. Ganoon din ang ginawa ni Isaac. Mas mabilis pa sa mabilis ang patakbo na ginawa nila. Lalo na nang lumingon siya, parang mga asong ulol na hinahabol sila ng mga zombie.

Zombie DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon