[12] Giving Up or Getting It On?

977 15 2
                                    

Ano ba dapat ang gawin ng isang babaeng katulad ko na nagmamahal ng isang lalaking mukhang wala namang gusto sa akin? Alam niya naman ata itong feelings ko pero wala naman ata siyang reaksyon. Iniiwasan pa nga niya ako. Kung ibang tao ang tatanungin, sigurado akong ang sasabihin nila ay: "Aba! Ang bata-bata mo pa kaya Ineng, wag mo nga munang pansinin yang mga feelings feelings na yan dahil bata ka pa, hormones lang yun, they're messing up your brain kaya akala mo ay may feelings ka sa isang tao pero sa totoo naman ay wala. Kung ako ikaw, mas pagtutuunan ko nalang ng pansin ang pag-aaral!"

Since when did God set standards for love? Kailangan pala kung magmamahal ang isang tao, nasa tamang edad na siya, may trabaho at di na nag-aaral para hindi na mapagsabihan ng ibang tao ng mga bagay tungkol sa hormones at sa pagtutuon ng pansin sa pag-aaral.

Eh ano bang tawag sa sitwasyon ko? Na inlove ang hormones ko kay Travis? Ganun ba yun? Eh ano ba ang kinain ko para mapakain ko rin sa mga hormones ni Travis para magkagusto rin sila sa hormones ko?

Naiiyak na ako sa kabaliwan ng utak ko. Kung anu-ano tuloy ang naiisip ko. Tama naman actually. If you think about it, hormones lang naman talaga siguro ang nararamdaman ko para kay Travis. Kasi araw-araw kaming nagkikita, araw-araw ko siyang natatanaw, baka ganun yun kasi lagi ko siyang nakikita. Kaya siguro hormones lang talaga to. 

Tama nga ang mga tao, mas dapat pagtuunan ng pansin ang pag-aaral. Pero mahirap iyon sa panahon ngayon. Ang epekto ng teknolohiya, ang epekto ng modernisasyon, and ekonomiya ng Pilipinas and the likes. Mas exposed kaming mga kabataan sa kung anu-ano kaya we learn stuff at an early age. Kaya siguro ang babata pa namin ay nagkakainteres na kami sa pakikisalamuha with the opposite sex. 

Napapikit nalang ako. Sumasakit ang ulo ko. Parang nitong mga nakaraang araw ay laging sumasakit ang ulo ko at feeling ko ay naiistress ako ng bonggang-bongga. Sino ba naman ang hindi? Ilang araw ko na kasing iniisip yung nararamdaman ko kay Travis. Kung hormones ko nga lang ba ito o talagang pinana ako ni Kupido at sadyang hindi niya lang natamaan si Travis.

Drrr. Drrr. Drrr. Naramdaman at narinig ko ang pag vibrate ng cellphone ko mula sa ilalim ng unan ko. Kinapa ko ito at medyo sumakit ang mga mata ko sa sinag ng cellphone ko. 

1 Message Received

Travis Ang

Napalunok ako. Di na ako nag-isip at agad-agad binuksan ang text nito.

From: Travis Ang

Late receiver ka ba talaga?

Kasi hanggang ngayon d mo pa rin tanggap na mahal kita.

.

GM.

Okay na sana eh! May GM pa talaga sa ilalim!!! Naramdaman ko ang malakas na kabog ng puso ko sa dibdib ko. Nababaliw na talaga ako. Akala ko ba hormones lang to? Eh bakit nakikisama ang puso ko? 

Napatingin ulit ako sa text message ni Travis. Hindi ko mapigilang mapangiti. Nakakakilig kasi ang GM niya. Feeling ko tuloy ako ang pinapatamaan niya. Pero alam ko namang hindi. Napaisip ako. Imposible namang ako ang tinutukoy ni Travis sa text na ito. Kung ganoon para kanino 'to? Biglang nanginit ang sistema ko. Feeling ko ay nabibiyak na naman ang puso ko.

'Pare andiyan na yung crush mo oh!'  Naalala ko ang sinabi ni Alfred ni Travis noon sa library. Isang imahe ng babaeng mahaba ang buhok, maputi ang balat at maganda ang ngiti ang pumasok sa isipan ko. 

Si Lianne. Oo, siya ata yung crush ni Travis. Binitawan ko na ang cellphone ko at gumulong para humarap sa kabilang direksyon. Bakit pa ba niya kailangan ipadaan sa akin ang GM na yun? Nagmumukha lang akong tanga.

Crush Kita, Manhid Ka Ba?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon