[3] Text Messages Ü

1.8K 24 11
                                    

Isang araw, namulat ako sa isang napakaliwanag na ilaw na sumisilip sa kurtina ng kwarto ko. Kinapa ko ang ilalim ng unan ko para hanapin ang cellphone ko. Asan na ba yun?

Antok na antok pa ako. Pagtingin ko sa telepono ko ay merong 3 unread messages. Napansin ko na 6:34 a.m. na rin sa kanang itaas na bahagi ng cellphone ko. Kailangan ko na palang bumangon. Alas siyete yung pasok ko. Tsk tsk.

Ako na. Ako na talaga ang dakilang late. The epitome of filipino time. Sakit ko ata to eh. Mula ata grade 1 palang ako ay late na ako. Talagang matatag lang ang relasyon namin ng higaan ko kaya napakatamad kong bumangon araw-araw. Ang higaan mo lang kasi ang tanging nakakapagpatanggal ng pagod at lahat ng problema sa buhay mo pag gising ka. Tuwing kasama ko si kama ay napakasaya ko. Sana pwedeng matulog nalang habambuhay.

Bumangon na ako at dumerecho sa banyo, naligo, bumalik sa kwarto at kumain ng almusal kong tinapay at milo. 7 a.m. na nang matapos ako. Astig lang, 7 ang pasok ko at 7 ay nandito pa ako sa bahay. Hahaha. Pasaway talaga.

Umalis na ako ng tuluyan at pumunta sa sakayan ng jeep. Binuksan ko ang cellphone ko at mayroon nang 3 unread. Mula kanina ay hindi ko pa ito binubuksan.

Mabasa na nga... *click*

May isang message na mula kay Mari, at isang message na mula naman kay Anna. Puro GMs. Ngunit may isang mensaheng napangiti ako ng todo.

From: Travis

Message: Good Morning.Ü

Gaaah!!! Ang aga-aga nagtext na agad si crush. Juskow naman po, ang aga-aga ko namang kinikilig > < May smiley pa talagang ganyan. <3

*click*

To: Travis

Message: Good morning rin. :)

Masama bang magreply!? Hindi naman diba, atsaka morning greeting lang naman. Hehehe :D May huminto na jeep sa harapan ko at nakasakay na ako nang nag-vibrate yung cellphone ko sa bulsa ko. Dali-dali kong kinuha ito at binasa ang message.

From: Travis

Message: Nasa school ka na ba?

OH-EM-GEE!!! Nagreply si crush! OMG!!! Kinikilig na naman ako!!! Ganito ba talaga pag may crush? Hindi mo mapigilang mapangiti!?

To: Travis

Message: Hehe, wala pa nga eh, ikaw?

Kalma ka lang, Carol. Whew. Magbayad ka na muna ng pamasahe, baka makalimutan mo pa. 

Kinuha ko ang ilang piraso ng piso na nasa bulsa ko at inabot ang P6 sa taong nasa harapan ko. Nakakakalahati na ako sa ruta ko papuntang skul ay di pa rin nagrereply si Travis. TT____TT

Pinatay ko ba ang conversation? Bakit di siya sumasagot? Makulit ba ako? Sayang naman, di man lang humaba yung pag-uusap namin ni crush kahit sa text messages lang. Haaay...

Nagvibrate ulit ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at nakita ang pangalan ni Travis sa pinakaitaas ng Inbox ko. Hala. Di ko pala na lock. > <

From: Travis

Message: Papunta palang din ng school. 

Ambagal naman niyang magreply!!! Eh nasa malapit na ako eh TT___________TT

Ano naman ang irereply ko sa text niya!? Magrereply pa ba ako? Pero pag di ako nagreply baka isipin niyang di ko pinansin ang text niya. Eh mago-okay lang ba ako? Hmm... Papatayin ko naman ang conversation kung ganun....TT__________TT

Travis naman! Pinapahirapan mo naman ako... :(

Nasa tapat na pala ako ng school na di ko napansin kung hindi pumara ang isang taong bababa din pala dun. 

"Para po," 

O_O? Teka bakit pamilyar yung boses!?

Tumingin ako sa lalakeng estudyante na pababa mula sa front seat ng jeep na sinasakyan ko. Halos lumuwa na ang mata ko nang makita ko kung sino iyon. 

Bago pa man ako matulala ay mabilis rin akong nahimasmasan at bumaba na rin ako bago pa ulit umandar yung jeep.

Takte! Si Travis yun ah!! Nasa parehong jeep pala kami nakasakay, ni hindi ko man lang siya nakita!!! Joskew Travis, ang bagal mong magreply kahit nasa iisang jeep lang pala tayo!

Kung pwede ko lang sana siyang habulin para magkasabay na kaming pumasok sa classroom, kaso medyo mabilis ito maglakad, at isa pa, nahihiya naman ako.

Pero kahit ganun, masaya pa rin ako, kasi nagkasabay kami sa jeep. Kahit nasa front seat siya at ako nasa pinakadulo. 

Nakita niya kaya ako? Naka uniform kaya ako! Baka di lang talaga niya sinabi? At ang bagal pa talaga niyang magreply! Oh baka imagination ko lang yun, mabilis kasi ako magreply siguro dahil sa excited ako na nagtext siya. Normal ba to? xD

Napangiti nalang ako. Hinintay kong pumasok si Travis sa gate at maya-maya ay sumunod na rin ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nagsimulang mag-type.

To: Travis

Message: Ü

 Nang makita kong pumasok siya sa classroom ay pumasok na rin ako. Wala palang teacher. Napansin ko nalang na pinagtitinginan kami ng classmates namin, pero di ata napansin ni Travis.

Naupo ako sa upuan ko. Nginitian ako ni Mari. "Ui, sabay sila pumasok!"

--

Salamat sa mga nagbabasa :) Comment naman ho dyan xD Thanks!

Crush Kita, Manhid Ka Ba?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon