Part 3

20 0 0
                                    


New character 's POV

Ngiting ngiti kong pinanood ang mga nakakatuwang emosyon ng kanilang mga mukha, kasalukuyang nasa faculty room sila ngayon at nag iisip sa mga katanungan ko na iniukit ko sa katawan ng kaniyang dalawang kaibigan gamit ang kutsilyong pinainit ko ng matindi.

Nakatutok lang ang mga mata ko sa computer ko kung saan ko sila pinapanood, habang ang mga paa ko ay nakataas at nakapatong sa lamesa.

Tinignan ko ulit ang dalawang babaeng nag ngangalang Mae at Keir, tinitignan ko ang mga tumutulong dugo sa katawan nila. Parang hinihigop nito ang mga mata ko, sa isip ko ay parang napaka sarap nito kapag tinikman ko.

Napaka sarap at napaka ginhawa sa pakiramdam, ibinaba ko ang katawan ng babaeng nag ngangalang Mae at ipinahiga ito sa maliit kong kutson. Binugbog ko rin ang muka nito kaya putok ang labi, kilay, ilong at iba pang parte ng katawan niya. Hinampas ko rin ito ng kahoy sa ulo para masulyapan ang mga tumutulong dugo. Hindi ko naman nilakasan ang pag kapalo sa ulo niya, iyong sakto lang at may lalabas agad na dugo.

Hinubad ko ang mga damit niya at ipinalit ang bestidang bulaklakin pero angat na angat ang kulay puti, bagay sakaniyang balat na napaka puti. Hinaplos ko ang kaniyang buong mukang napakakinis. Napapangiti ako tuwing may umaagos nanamang dugo mula sakaniyang ulo..

Napaka sarap tignan..

Nung matapos ko siyang bihisan ng bestida ay kumuha ako sa maliit na kwarto ng pwedeng ipang tali sa kamay at paa niya.

Itinali ko ang bakal na mag kakadugtong sakaniyang dalawang kamay at ibinuhol ko rin ito sa kama niya.

Ang sumunod ay ang paa niya, kung anong ginawa ko sa kamay niya ay ganon rin ang ginawa ko sa paa niya.

Lalo akong napangiti nung makita kong nakabukas na ang kaniyang mga magagandang mata, nanlaki ang mata niya matapos akong makita. Tinignan niya ang buong paligid at naroroon ang takot sa mga mata niya. Bagay na gustong gusto kong makita.

"A-Anong g-g-gagawin mo s-samin?!" Takot na takot na tanong niya, lumapit ako sakaniya kaya nag pupumilit siyang makawala sa bakal.

Sinampal sampal ko ang pisngi niya kaya lalo siyang natakot, nag sisisipa sipa siya kaya nainis ako at sinampal siya ng malakas! Sumigaw naman siya ng sumigaw kaya hinila ko ang buhok niya.

"Wag kang maingay kung ayaw mong lagariin ko iyang ulo mo!" Lalo siyang natakot kaya umiyak siya ng umiyak, kinuha ko ang injection sa lamesa ko. Nag sisisipa nanaman siya at sumisigaw kaya napangisi ako, takot na takot ang babae sa gagawin ko.

Pampatulog lang naman ito na may halong drugs, nung hawakan ko ang braso niya ay umiilag pa siya sa mga gagawin ko kaya sinamaan ko siya ng tingin!

Wala rin siyang nagawa, ako ang nag tagumpay dahil naitusok ko ang karayom sa braso niya.

Nakangiti naman akong bumaling sa isa pa niyang kasama na ang pangalan ay Keir, napakagandang babae. Tulog na tulog pa rin ito ngayon, naka baliktad pa rin ang katawan.

Ibinuhat ko siya at inilagay rin sa kama, tinalian ko rin ang paa at kamay niya kagaya ng ginagawa ko kay Mae.

Nagising rin siya kaya napangisi ako.

******

Shine's POV

Pag tingin ko sa relo ko ay mayron nalang kaming natitirang limang minuto, nag isip ako ng mabuti.

Napatingin ako sa mga kaklase ko, nag iisip rin sila pero mukang gaya rin nila ako na hindi makuha ang sagot dahil sa takot at kaba.

"D-Dugo.." may biglang nag salita sa gilid ko, si Sir rwul pala. Nag tataka ko itong tinignan at nakatingin na kaming lahat sakaniya.

Pati ang mga teachers ay naguguluhan rin sa kakaisip, nag kakasama pa rin kami sa loob ng faculty room.

"Blood?" Tanong ng isa kong kaklase.

"Kung hilig niya ang pumatay, at pang bubugbog, ibigsabihin.. dugo!" Naliliwanagang sabi pa ni Kurt! Kaya napatingin rin kaming lahat sakaniya, lalo na ako.

"Dugo?"

"Bakit dugo?"

"Pumatay?"

"Ang gulo!"

"Shit!"

"Dugo..blood.." mahinang bulong ko, parang alam ko na ang sagot pero hindi ko masabi!

"Red!" Biglang sagot ni Kurt, lalo kaming napatitig sakaniya! Nag liwanag ang nga mata ko at mabilis akong tumayo para bumalik sa rooftop! Lahat sila nakasunod sa akin!

Limang floor pa ang aakyatin ko bago ko marating ang rooftop, tinignan ko ang relo ko habang tumatakbo. Meron nalang akong mahigit dalawang minuto!

Lalo ko pang binilisan ang pag takbo ko, nakarinig nanaman ako ng nakakabaliw na tawa galing sa speaker!

Nang nasa pang apat na floor na ako ay kusa akong tumigil dahil napapagod na ako, habol habol ko ang hininga ko nung tignan ko muli ang relo ko. Meron nalang akong 40 seconds..

Wala na akong inaksayang oras at tumakbo pa ako ng tumakbo..

Don't worry, keir and mae..you will be safe.

Sa wakas ay nakatating ako sa rooftop!

"RRRREEEEEDDDDD!! REEEDDDD IS YOUR FAVORITE COLOR!!!!!!" Umiiyak kong sigaw! Napapaiyak na rin ang iba ko pang mga kasama, inaalo at pinapatahan ako ni Kurt na nasa tabi ko pero patuloy pa rin ang pag agos ng mga luha ko.

Napatingin ako sa tv na sunod sunod nanamang bumukas, nag stop ang timer sa 3 seconds kaya napangiti ako, nakangiting lumuluha.

Bigla akong napaupo dahil sa pagod, niyakap ako ni Kurt at sinabing 'dont worry.' 'They're fine, now'

"W-Where is my friends? Please.. give them b-back.." humihikbi ko pang sabi, natawa nanaman ang nasa speaker kaya umiyak lalo ako.

"Okay, darling! I will give them back.. HA HA HA HA HA HA! Good job! But my second question is..WHAT IS MY FAVORITE THING? I will give you one day to answer that, see you on friday! And enjoy your..fieldtrip!" Biglang namatay ang lahat ng nag lalakihang tv nung matapos niyang mag salita.

Nagulat kaming lahat nung biglang may kumalabog sa malapit na kwarto bago marating ang rooftop!

Agad silang tumakbo papunta ron kaya naki-takbo rin kami ni Kurt.

At sa hindi inaasahang..

Eto na sila..

Eto na ang mga kaibigan ko..

Sugatan at duguan.

TO BE CONTINUED....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Star SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon