HELLOOO, SANA MAGUSTUHAN NIYO.
____________♥️____________
Tuesday~
Nag open ako ng facebook ko sa laptop pagkatapos kong mag review para sa quiz nanaman ng adviser namin! Lahat naman kami kanina ay mga nakapasa, sa lahat ng quiz namin.
Pagka open ng account ko ay biglang may nag message kaya tinignan ko ito.
~Kylei Mae Ramos added you to the STAR SECTION <3 IS THE BEST.~
Mae: Hellooooooooooooooo!
Ariola: Tsh.
Maya-maya lang ay biglang..
Ariola Dhaine Cuize left the group..
Lah? Gg to ah hahahahaha!
Me: Hahahahahahaha! (Seen by everyone.)
Keir Aily Fabila changed the group photo..
Keir: Nice one! That's perfect.
Hindi na ako nag reply, dahil wala naman akong sasabihin. By the way, dito ako umuuwi sa hotel, na pag aari ko. Yeah right, My family is gone. So sa akin naka pangalan to, ako ang may ari at ako ang nag papasweldo.
Maya maya lang ay naka ramdam na ako ng gutom kaya tinawagan ko ang isa sa mga nag tatrabaho dito.
"Yes ma'am?"
"I want food, any foods do you have. Marami po ah! Nagugutom po kasi ako."
"Sige po, ma'am."
Binaba ko na naman agad ang linya at napag desisyunan kong maligo na para kapag kumain ay fresh!
Hindi naman nag tagal ay may naririnig na akong katok sa pinto ko kaya dali dali ko itong buksan, nakita ko naman agad si ate Christina na nakangiti na sa akin at dala dala ang mga masasarap na pagkain!
Pinatuloy ko naman siya para ilapag sa lamesa ko ang mga hinain niya para sa akin, yumuko naman siya at nag paalam na.
Maya maya lang ay kinakain ko na ang mga pagkaing dala niya. Si ate Christina ay isa sa nga magagaling na Chef dito kaya siya ang tinawagan ko dahil alam niya na siya lang ang gusto ko sa mgsa Chef, siya kasi yung tipong simpleng babae, magalang, lahat nasa kaniya na.. syempre maganda rin siya, maangas ang dating!
Kung naging lalaki lang ako ay siya ang liligawan ko, kaso lalaki ang gusto ko hehehe. Napatigil naman ako sa pag kain nung biglang mag ring ang phone ko.
"Hi!" Masaya nitong bati, kaya tinignan ko muna ang pangalan niya tsaka ako nag tatatalon!
"Huwahhhhhhhh!! I miss you naaa!!" Pag sigaw ko pa, napatawa naman siya.
"Andito ako sa tapat ng pinto mo, ang ingay mo talaga hahahahaha!"
Siya si Kurt Jiele Speze, siya ang kaisa isa kong kaibigang lalaki. Yeah right, Child hood friend. Hindi kami nagkita at nag hiwalay kami ng two years! Ngayon lang ulit siya nag pakita.
Syempre lumayo layo siya dahil gusto niya daw mag move on, yeah right. Nagkagusto siya sa akin at nag confess ng nararamdaman niya, pero best friend lang talaga ang turing ko sakaniya. He said it's okay, he needs break, he needs time for himself.

BINABASA MO ANG
Star Section
Misteri / Thriller"Star section is the best." They say, I thought it was. But one day, It was not. ~Fight as you can, Run as you can, hide as you can because the killer is always there..specially when no one can see him/her~ I am Shine Liel Shon, The girl who wants t...