Gift of the Rain (ONE-SHOT)

105 6 0
                                    

Gift of the Rain   ONE-SHOT

[written by PoknutPince]

Umuulan na naman, malamang, panahon na kasi tag-ulan. At gaya ngayon, umuulan din noong una ko siyang nakilala. Umuulan ko din siyang naging bestfriend. Ang taong pumapayong sa akin sa tuwing inuulanan ako ng problema.

"Hoy! Dan! Bilisan mo! Yung payong mo buksan mo na nang makauwi na tayo! Kanina pa ako naghihintay sa yo!"

     

"Opo! Eto na po! Binubuksan na po! Tara na po!"

Hinila naman niya ako matapos niyang buksan ang payong niya at naglakad na kami sa gitna ng ulan at pinapayungan niya ako.

"Hindi mo na naman dala ang payong mo?"

"Hindi eh."

"Haay naku! Halos tuwing tag-ulan wala ka naman yatang dalang payong. Tuwing tag-araw naman nagpapayong ka nang sarili mmo ah. Baliw ka ba at nagpapayong k lang kung mainit?"

"Eh sa naiwan ko eh. Ano ba? Payungan mo na lang kasi ako."

"Ang sabihin mo, sinadya mong iwan ang payong mo mo kasi gusto mo lang na magkapayong tayo."

"H-hindi ah! Nakalimutan ko lang talaga!"

"WEh?"

"Payungan mo na lang kasi ako."

"Ano pa bang tawag mo sa ginagawa ko?"

"Nagpapayong."

"EH yun naman pala eh." nagpatuloy lang kami sa kalalakad. Sheeet! Ano yung sinabi niya!? Anla naman eh! Pinapakilig pa ako nito!

Siya si Danielle Jimenez, habang ako naman si Dennielle Rodriguez. Souns like di ba? Parang ngang soulmate kung bakinggan mga pangalan namin at tinutukso din kami sa school na parang may relasyon daw kami. Pero sa katunayan, gustong gusto ko ang panunukso nila sa amin. Aaminin ko, mahal ko ang bestfriend ko. Ewan ko kung kailan nagsimula ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya, pero sa tingin ko, nagsimula lahat noong mga freshmen pa lang kami for college...

*flashback*

"Uhmmm, oy, Den, kanina pa kita napapansin dito ah. Hindi ka pa ba uuwi?" nasa waiting shed kasi ako noon, at hinihintay ko na kahit papano eh humina ang ulan dahil wala akong dalang payong.

"Eh kasi..." napakamot ako sa ulo, "... maya maya pa siguro. Hinihintay ko lang na humina ang ulan kasi wala akong payong."

"Ay baliw. Hndi ba ang sabi ko sa yo magdala ka na ng payong kasi hindi na muna kita maihahatid gaya dati, marami kasi akong ginagawa ngayong month sa Student Council." oo, sinabi niya yon kasi siya ang nanalo sa election ng Student Council. At bilang president eh siya ang in charge of everything kaya naman medyo late na siyang umuuwi at hindi na kami nagkakasabay. Paminsan-minsan na lang.

"Alam ko, pero nasanay na kasi ako na ikaw ang nagpapayong para sa akin. Hihi!" *peace sign*

"Oh siya, tutal pauwi na rin ako, hatid na kita sa inyo."

"SIGE!" ang saya saya ko noon, hindi ko pa naman talaga siya mahal noon eh, nagsa-sprout pa lang? Haha!

Naglalakad kami noon sa kalsada, at malakas pa din ang ulan. Akala ko, normal lang ang araw na iyon, yun bang maihahatid niya ako sa bahay? Pero ...

... noong malapit na kami sa bahay, merong nag-overspeed na kotse at nadulas tapos na-out of control tapos babanggain na sana kami, mga less than 5 meters na lang ang pagitan pero nabigla na lang ako nang bitawan ni Dan ang payong at akapain ako ni Danielle tapos hinila ako habang nakayakap siya sa akin tapos napaatras kami sa gilid ng kalsada. Nailagan namin yung kotse pero siguro dahil napasobra sa paghila si Dan eh napatumba siya sa sahig habang ako naman bumagsak sa dibdib niya. Noong naka-recover naman ako konti, bumangon na ako tapos sinubukan kong gisingin si Dan kasi nakapikit siya.

Gift of the Rain (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon