PROLOGUE

29 1 0
                                    





"Xanryl Mariano?" tawag ng Teacher ko saakin.

"98 po Ma'am."  hindi kalakasan kong sagot sa kanya pero tiyak kong maririnig niya ang boses ko, matandang dalaga kasi itong Teacher namin sa Filipino, alam niyo na at tsaka mahirap na noh.

Minsan na niya akong pinagbuntunan ng galit, nakakatakot at AYOKO NG MAULIT PA YUN as in never ever, marami pa akong pangarap sa buhay ko.


Bumaling ako sa seatmate ko, wala akong assignment sa next subject namin kaya magbabakasakaling mag-share tong katabi ko.

"Elle." kinalabit ko siya.

Humarap naman siya, gandang bata neto eh baka maging tibo ako nito.

"Yes?" Uy mukhang good mood, *cross-fingers* sana pumayag siya.

"Ah-eh... Pwedeng pakopya ng assignment mo? Nakalimutan ko kasing gawin kagabi... Kung okay lang naman." medyo pabebeng tunog ko sa kanya. Ngumiti naman siya.

"Asus. Walang problema Ryl. Ako nga laging nangongopya sa'yo pag may quiz tayo eh." mahinang tumawa naman siya.. 

Kinuha niya yung bag niya sa gilid  ng upuan at hinalukay kung nasaan ang mahiwagang notebook na magliligtas saakin sa binit ng kamatayan sa Teacher namin sa Math.


"EH bakit pala hindi ka nakagawa? First time to ah, may pinagkaabalahan ka siguro kagabi noh?" may nakakalokong ngiti sa mg alabi ni Elle. Jusko naman ateng nakakakilabot naman to. Tumataas-taas pa ang mga kilay nito.. Lintek na.


Inabot na niya saakin ang notebook at agad ko naman itong binuklat. Hay, makakopya na nga lang baka masaktan ko pa to, aaminin ko sadista ako, all the time.


"Tigil-tigilan mo ko Elizabeth ha. Iuuntog kita sige ka." mahinahon kong banta sa kanya.

Natawa naman siya. Shit. Naalala ko nanaman yung asungot na yun. the guts of that guy na sagut-sagutin ako! Walang respeto sa babae. Bwisit... Kaya hindi ako nakatulog ng maayos sa kakaisip kung paano ako gaganti sa lalaking yun!


"Okay okay. Hindi na po Kamahalan." aba't! She even emphasized the Kamahalan word.

Tinignan ko siya ng masama at tumawa lang siya at muling nakipag-chismisan.








Oh bago ko pa makalimutan, mag-iintro na ako. Xanryl Mariano is the name, 16, a Grade 10 student and currently nag-aaral sa Terra Monte University, isa akong scholar dito since my Grade 7. Noong elementary ako sa isang private school din ako nag-aaral, Salvatore Academy.   Pero simula kasi noong namatay si Papa, si Mama nalang ang bumuhay saakin.  

At dahil nga mahal ko si Mama ayoko siyang magpuyat dahil isa siyang call center agent. Si Papa naman noon ay nagtatrabaho sa isang kompanya. Nag-apply nalang ako scholarship at natanggap naman ako sa awa ng diyos at ang trabaho nalang ni mama ay ang magbantay sa Cyber Cafe namin kasama ang pinsan kong isang ICT Programmer, si Kuya Eman. At yung kausap ko kanina ay ang nag-iisa kong best friend, Elizabeth Klaveer Hidalgo. 








Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon