Chapter 1: Planned
"Deiiiii!" maingay na sigaw sakin ni mama. Kanina pa 'to kaya bumangon nalang ako bago pa nya ako mabuhusan ng malamig na tubig. Pashnea!
Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko ng batukan ako ng kuya ko. Infairness masakit yun. Beshit!
"Magbabagong taon na, tulog mantika ka parin" sabi pa ni kuya Gab. Ano bang silbi ng vacation kung hindi ako makatulog ng mahimbing? Yung bang walang istorbo?
"Alam mo kuya, kung may magandang panaginip lang ako baka nasipa na kita sa kwarto ko!" naiinis kong sigaw sa kanya dahilan na napahagalpak siya kakatawa.
"Sipain mo nga" pang-aasar pa niya't inilapit pa ang mukha niya. Hinahamon mo talaga ako, ah.
*slap*
"Akala ko ba sipa ba't sampal binigay mo?" sabi ni kuya habang hawak-hawak ang pisngi niya. Eh. Sa hinamon mo'ko.
"Magbabagong taon na ngayong hatinggabi ganyan parin kayo magkakapatid. Jusko!" reklamo ni mama at lumabas na ng kwarto.
"Bumangon ka na riyan at maligo ang baho mo" wika ni kuya at lumabas na rin sa kwarto. Naririnig ko pa nga ang mga bulong niya ng pagrereklamo dahil sa sampal na inabot niya sakin. Buti lang sa'yo nakakabwesit ka kasi!
Buti nalang at good girl ako ngayon. Hindi ako tinamad maligo. Hihi! Kadalasan kasi sa hapon pa ang oras ng paliligo ko. Hihi! Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako diretso sa kusina kung saan busy si mama sa paghahanda.
"Mag-lunch ka na dyan" sabi ni mama habang naghuhugas ng mga ingredients para sa pagluluto.
"Lunch, ma? Akala ko po ba almusal ko pa po 'to?" nag-pout nalang ako dahil hindi na sinagot ni mama ang tanong ko.
Kumain nalang ako ng niluto niyang nilagang baka. Ang sarap talaga magluto ng mama ko.
"Bunso!" muntikan na akong masamid dahil sa gulat ako kay kuya. Bwesit! Muntikan na akong malusaw sa mainit na sabaw. Grr! Kainis!
"Trip mo ba ako ngayon?" inis na sabi ko sabay lingon sa kanya na nakangisi. Sarap hampasin ng pisi eh! Urrgh!
"Sorry bunso" sabi ni kuya na halata namang hindi siya sincere dun. Umalis na siya sa harapan ko. Humanda ka mamaya. Uubusin ko muna 'to. Bwesit!
Wala pang isang oras ay naubos ko na ang pagkain at hinugasan ang mga kubyertos na ginamit ko. Nakakahiya naman kung si mama pa gagawa nun. Pagkatapos ay inakyat ko ang kwarto ni kuya Gab. Humanda ka ngayon! *evil laugh*
Pinihit ko ang siradura ng pintuan at binuksan ito ng dahan-dahan. Nagulantang nalang ako sa nakita ko. Aba't tulog? Haha!
Agad ko siyang nilapitan at agad kiniliti ang maamo niyang mukha gamit ang buhok ko. Binatukan mo ako at muntikan mo pa akong lusawin! Nakakainis ka!
"May kiliti ako riyan" napahagalpak nalang ako sa kakatawa. Buti nalang dala ko ang phone ko at vinideohan ang magiging reaksyon ni kuya. Hahaha! Tompak!
"Tiiibbboooooooooo!" pagsisigaw ni kuya sakin at agad ko naman itong vinideohan. *click*
"Tiiibbboooooooo!" paulit-ulit kong pindot nito. Nakakatawa tignan!
"Ano bang nangyari?" sabi pa ni mama. Napa-grinned nalang ako.
"Ito kasing si tibo, ma" nababaklaan tuloy ako kay kuya. Ano bang problema niya sa mga tibo? Bakla rin naman 'tong si Gabriella? Hahaha..
Bumaba na ako pagkatapos ang nakakatawang scenario na yun. Tawa pa rin ako ng tawa. Ang mukha talaga kuya sa video. Hahaha!
*phone ringing*
