Chapter 2: Torpe
"Sinong anghel ang nakapasok dito?" pambwebwesit na naman ni kuya sakin. Ihhh! Nakakainis!
Nasa kalagitnaan na ako ng kanta at heto siya dumating sa hindi tamang oras. Parang sinadya eh. Tsk!
"Ano naman?" sinubukan kong kumalma sa baklang 'to.
"Wala. Akala ko kasi kung sinong babae ang nakapasok dito" ani mi Kuya Gab. Hay naku! "By the way, ano pala yung kinanta mo?" tanong niya pa. Tss.
"Bakit?"
"Wala. Parang relate ko lang"
"Relate mo, kasi natotorpe ka kay Maureen. Alam mo kasi kuya, manligaw ka nalang ng bakla tutal madaming bakla naghihintay sa'yo" pang-aasar kong sabi. Nakakainis 'tong si kuya pero ang sarap asarin nito. Pft!
"Eh, ikaw? Ba't ka naging tibo? Hindi naman bagay sayo! Akala mo gagwapo ka nyan. Pft! In your dreams"
"Umalis ka na nga sa harapan ko. Paepal ka eh" kinaladkad ko si kuya Gab. Tama, kinaladkad ko nga dahil istorbo siya sa pagkanta ko. Tsk! Beshit!
Bumalik na ako sa couch kung san ko iniwan ang gitara. Ito kasing si kuya eh pabebe pa, gustong magpakaladkad, yan tuloy istorbo!
Bumalik na ako sa couch pagkatapos kong kaladkarin ang nakakabwesit kong kuya. Bwesit na nga, panget pa. Tsk!
Nag-strum ako ulit at kinanta ulit ang torpe. Tuloy pabalik-balik ako ng kanta. Ito kasing si Xeenoah, ako pa talagang ginawa niyang vocalist sa harana-harana churva na 'to. Tsk!
Nang matapos kong mag-practice ng kanta ay agad na akong umakyat ng kwarto. Inilagay ko ang bago kong gitara sa ilalim ng kama. Sleep well! My precious! Sabay bigay halik sa gitara.
Naalimpungatan ako sa mga narinig kong paputok. Nagulantang nalang ako ng paputukin yung sabog sa eardrums ang ingay. Hindi ko alam anong pangalan nun. Tsk!
Nakalimutan ko tuloy na New Year na pala. Tulog ako, pagsapit ng bagong taon ibig bang sabihin tulog ako ng isang taon? Jokies lang. Lumabas na ako at tinungo ang music room.
Nagulat rin ako kasi nandun sina kuya at mga kasamahan niya. I gave him my -what-the-hell- look.
"Hey guys! This is my bro, Dei" pakilala sakin ni kuya sa mga kaibigan niya. Hayts! Kahit bagong taon nabwebwesit pa rin ako nito. Urgh! Hinila ko muna siya palabas.
"Anong ginagawa mo sa music room? Hindi ba pwedeng sa guest room kayo mag-party?" inis na inis kong sabi sa kanya. Sinadya niya talaga 'to para isang taon rin akong mainis. Hayssss!
"Dun ka muna sa guest room" sabi ni kuya at pumasok na sa loob ng music room. Haysss!!!!!!! Pagbibigyan muna kita ngayon kuya Gab.
Padabog akong umakyat pabalik sa kwarto para kunin ang gitara pagkatapos ay tinungo ko na ang guest room.
Salamat naman at hindi ko na maririnig ang paputok sa labas. Okay naman dito sa guest room pero mas gusto ko dun sa music room. Ito kasing si kuya, eh.
*strums*
Di makatulog sa gabi
Dahil nagugulo ang isip
Umiiyak na lang palagi
Nagtatanong sagot sa bakit
Ka iniwan at sinaktan
Nagmahal ka lang na....
*phone ringing*
Hays!
"Hello?" diretso kong sagot sa tawag walang lingon-lingon sa screenname. Naiistorbo talaga ako. Timing ah.
"Happy new year, pre" bati ni Xeenoah sakin. Pre? Ano 'to bagong taon, bagong callsign? Psh!
