Chapter 1: ikaw!?

1K 13 5
                                    

HER POV

Hey there! I’m Jai Agpangan. Simple pero may topak minsan. magsesecond year college na. And may kambal ako si Joj. May kaya kami. Di nga lang halata kasi simple lang kami ng kambal ko di gaya ng iba pasosyal.Tama na pagpapakilala.

Andito ako ngayon sa mall.Ano ba naman yan bat wala pa rin yung kambal ko.  hay naku matawagan nga.

*kriing* kriiing*

“sis san ka naba?andito na ako sa mall kanina pa kita hinihintay tapos ko na nasamahan si ate Jess magshopping”- ako

“siiiss”- Joj

“bakit ganyan boses mo parang natatae ka don’t tell me tumatae ka ngayon?”- ako

“oo siis kasi ano..so..rry errgj di na a...ko maka..kapunta teka lang.tawagan kita ulit mya maya” joj

Biglang may bumunggo saking lalaki at natapunan ako ng float arrgh!

“O my gosh!ano ba di mo ba tinitignan dinadaanan mo!?”- ako

“bat ka kasi humaharang sa daan?pwede ba wag mo ako sigawan”

“how dare you!?huh hindi mo ba alam magsorry?”- ako

“wala akong oras makipagbangayan sayo kaya pwede ba. Sige mauuna na ako. O ayan pera bili ka na lang ng bagong damit mo total parang galing sa ukay ukay yang damit mo”

Bigla siyang tumakbo.Huwaat?anong sabi niya? Nakakainis.arrgh gwapo sana eh ang yabang naman. Ano ako mukhang pera?at damit ko pang-ukay ukay? Eh ang mahal mahal ng bili ko nito. Arrgh hate him! Di man lang nagsorry walang modo. Walang hiya!

Tumatawag na pala sakin kambal ko.

“ano!?”- ako

“oh sis bat naman galit ka agad?”- joj

“haay naku badtrip lang kasi may nakabunggo sakin. Basa tuloy damit ko. Nakakainis!”- ako

“relax lang sis. Nga pala sensya na ah di na ako makakapunta kasi nagtatae ako.masakit tiyan ko”- Joj

Haay kawawa naman kambal ko.

“sige okay lang uuwi na ako”- ako

“teka sis hindi pwede. May favor kasi sana ako sayo.”- Joj

“ano naman yun?”- ako

“pwedeng ikaw na lang makipagmeet dun sa kaeyeball ko?please sige na”- joj

“whaat?are you kidding?hindi ko hilig ang ganyan. Ikaw naman kasi masyado kang mahilig makipagchat textmate makikipagkita tapos di mo sisiputin”- ako

“sige na sis mabait naman siya eh malay mo siya na ang sagot para makalimutan mo si Harvey”- Joj

“please joj stop saying that name. Naiinis ako lalo”- ako

“sorry naman.sige na kasii please..”-Joj

“sige na nga. Ngayon lang to Joj ah..siguraduhin mo lang na di manyakis yun”- ako

“hindi nga mabait yun trust me. Yiee. Thank you so much sis kaya mahal na mahal kita eh”- joj

“oo na. Di kita matiis. I love you more..”- ako

*Prroooot.* rinig ko sa phone

“yuck sis kaw yun?”- ako

“oo teka natatae na ulit ako sige sis ah .ahm nga pala magkikita kayo sa tapat ng timezone nakawhite siya. At nakacap siya ng batman.*prooot* sige sis. Di ko na kaya.bye.muah”- joj

Ayun binabaan na ako. Grabe naman kasi. haay kong di ko lang mahal tong kakambal ko.ayaw na ayaw kong makipageyeball eh ewan ko ba diyan sa kambal ko.excited siya kagabi dahil dito. Tapos ganun pa nangyari. Masyado kasi siyang mahilig makipagtextmate. Ehh sabi niya mabait naman.eh pano pag pangit?ehh sabagay nasa ugali naman yan. Kaya minsan nag-aalala ko diyan sa kakambal ko eh kaya lagi ko sinasamahan pag may kameet siya.

Bumili muna ako ng damit para makapagpalit badtrip kasi yung lalaki kanina.

Pumunta na ako sa timezone.

Tingin tingin.

“hmm. Lalaking nakawhite na nakacap ng batman..”- bulong ko

Tingin. Tingin. Ahhh ayun! Lumapit ako sa kanya. Nakayuko siya.

“ahhm excuse me”- ako

Pagkataas ng ulo niya. O___O

“Ikkkkaaaaww!?”-

Sabay pa kami.

Paano naman kasi siya lang naman yung mamang payatot na mayabang na nakabangga sakin kanina.

So siya yung kinikwento sakin ni joj?psshh. malas naman oh.

“babe!”

Sulpot ng isang babae. Teka parang kilala ko to ah.

Eh may girlfriend pala to eh. Hindi lang mayabang manloloko pa pala. Katulad niya si..nevermind. hate him!

Biglang hinawakan ng alec na to ang kamay ko. Tatanggalin ko na sana kaso hinigpitan niya.

What the!?anong problema nito.? Tinaasan ko siya ng kilay.

 “anong ibig sabihin nito alec?”-mangiyak ngiyak na tanong nung babae

“Kassy diba sinabi ko na sayong wala na tayo tapos na tayo.”- sigaw nung alec.

Grabe ako ang nagugulat dito. Tinitignan ko lang silang dlwa.Lq?ano to?

“alec hiniwalayan ko si Harvey para sayo tapos ito ang gagawin mo sakin?”

Shemay! Ang liit nga naman ng mundo. Kaya pala pamilyar sakit tong echoserang babaeng to siya yung nakita kong kahalikan ni Harvey. At ang pinalit ni Harvey sakin.

“hindi kita mahal Kassy. Siya ang mahal ko.kaya kalimutan mo na ako”-alec sabay tingin sakin at ngumiti

Anlakas ng tama rin ni payatot eh. I have a perfect plan. Humanda ka sakin Kassy.wahahaah! Evil smile

“siya ba ang pinalit mo sakin huh?yang mukhang bakekang na yan?bat ganyan ka makatingin huh?”- taray nung babae sakin.

Aba teh. Sabunutan kaya kita. Mang-aagaw!!ako bakekang?nagpapatawa ba siya?siya tiyanak!

“oo bakit.!?.ano pinagmamalaki mo yang kagandahan mo??ako bakekang?okay atleast ako mahal ni alec. alam mo Kassy hindi ka naman talaga minahal ni alec eh. Diba baby?”- ako sabay tingin kay alec at siko sa kanya

“naman baby”- alec sabay kurot sa pisngi ko.

Haay naku kung hindi lang si Kassy tong kaharap ko baka kanina ko pa nasapak tong si alec. Pero sa ngayon kailangan ko siya.

“hindi .hindi pwede.hindi ito pwede”- sigaw nung Kassy

Pinagtitinginan tuloy kami.

“you want some proof how much i love her?”- tanong ni alec

Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at hinalikan sa lips.

O__O..

Ayun. Pangit ba?sorry naman hehe.please comment. Pavote na din.I. Wooh Jalec. Sana may JAlec moments mamaya sa pbb.lilinawin ko po I'm not really sure kung itutuloy ko tong story na to it depends sa feedbacks and votes:)..kasi balak ko pa sanang tapusin yung isa kong story eh. Thank you sa mga bumabasa.Godbless:))

The Badboy Kisser(JaLec)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon