Langyang buhay naman to oh! Pekensyeett! Sabi nila, “habang may buhay, may pag-asa” pero shit pa sa lahat ng shit… dalawampung taon na akong nauurat sa paghihintay ng pag-asang yan, wala pa rin! (>.<) Sheeet talaga ! Sheeett !
Kaya naman, ngayong araw na ito… sa ika-labintatlo ng Hunyo taong dalawanglibo-labing apat, Friday the 13th, ay tatapusin ko na ang walang kakwenta-kwenta, at nakakaurat kong buhay !
Nag-ala ninja moves akong pumasok sa isang five star hotel kanina upang doon tapusin ang mga nalalabi kong oras bilang isang buhay na nilalang. Sabi kasi ng teacher ko noon, dapat ko raw paghandaan ang aking kamatayan at gawing magarbo kasi once in lifetime experience lang daw ito. Hindi na ito mauulit pa kaya naman .. Hell Yeah! Here I am in a sossy place perfect for my once in lifetime death. Nakatayo ako sa balcony ng isa sa mga kwarto ng hotel specifically, nasa ikalabintatlong palapag ng hotel na hindi ko alam kung bakit 14th floor ang nakalagay sa elevator. Tiningnan ko ang nasa ibaba. Bigla akong nalula.
Letse! Ba’t ang taas?! Sheet! Magkakalasug-lasog ang katawan ko nito. Pero naalala ko na naman na sabi nga ng teacher ko noon, mas masarap ang kamatayan kung bawat parte ng katawan mo ramdam ang sakit. So okay lang kung magkandalasug-lasog tong gorgeous body of mine. Di naman siguro kawalan -_^ Hahaha! Lokong guro kasi yun eh, lakas maka-impluwensya. Sooo..
Eto na! It’s now or never (brrrrr). Wish me luck! Umakyat ako sa parang railings ng balcony. Hingang malalim… buga… hinga ulit saka buga ulit. Pagkatapos ay bumilang ako hanggang tatlo.
Isa… tumayo ako ng tuwid
Dalawa… nag-ala Mulawin ako, I spread my wings… este kamay
At …
.
.
.
.
.
“Taaatl---“ di ko natapos ang pagbibilang kasi na out of balance ako ! PUTCHANG GALANG PUSA!!!
“Di pa ako readyyyyyyyyy!!!! Aaaaahhhhh!”
.
.
.
.
.
.
.
.
.
~At dito nagtatapos ang aking buhay~
