CHAPTER 5 You're Mine

573 35 8
                                    

Edward POV

Kanina pa mainit ang ulo ko dahil sa chelsea na to, kanina pa nakakapit, akala mo nawawalang bata, niyaya ko na sina marco papuntang classroom. Siguro naman nandun na si maymay

Pagdating ko sa classroom, mas nadagdagan pa ang inis ko, naabutan ko lang naman silang nagtitigan. Hindi ako nagseselos ha. Ayoko lang na may ibang umuupo sa upuan ko.

Kaya naman kinuha ko yung atensyon nilang dalawa, umakto ako na parang may ubo pero nagngitian lang sila, mas nadagdagan tuloy ang init ng ulo ko

Kahit pa mas malaki ang katawan nya sakin hindi ko sya aatrasan, highschool palang ako may nabubug na ako, pasalamat sya dumating na yung prof.

Umupo na ako pero itong katabi ko naman tinalikuran lang ako, halatang umiiwas.

Anu na naman ba ginawa ko? Kahapon lang okay naman kami, hindi ko talaga sya maintindihan, parang laging may dalaw sa kasungitan pag nakikita ako.

Busy ang lahat sa pagsusulat ng biglang magtaas si tanner ng kamay, nag excuse sya dahil may biglaan daw syang photoshoot.

Kinausap nya muna si maymay bago umalis, hindi naman nya girlfriend, kung umasta, akala mo naman sila.

Nung uwian na, sinadya kong mauna ng lumabas,
Tumambay muna ako sa gilid ng pinto.

Nakalabas na lahat pero yung hinihintay ko wala pa rin, nung tinignan ko sakto naman na kinuha na nya yung bag nya, nagtago muna ako sa gilid para di nya mapansin.

Paglabas nya hinila ko sya sa wrist nya, at sinandal sa may pinto, dinikit ko yung notes na sinulatan ko kanina sa may noo nya, Kinuha nya at binasa.

You're Mine?

magsasalita pa lang sana sya ng bigla ko syang hinalikan smack lang naman haha

Yeah, weather you like or not, starting today, IM YOUR'S, YOU'RE MINE.
got that?

Tinitigan ko sya,
Tulala pa rin,
I grab that opportunity to hide, baka pag nahimasmasan na sya, masampal pa ako.

Nung nakapagtago na ako
Syempre ngiting tagumpay ako ngayon 😆

Tinawagan ko na si marco para puntahan na nila si maymay na tulala pa rin.

Kasama nya naman si fenech
gustuhin ko man na ako ang maghatid sa love ko, hindi muna ngaun 😆.

Maymay POV

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, kung kinikilig ba ako o naiinis ako, ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nung mahismasmasan na ako, wala na sya sa harapan ko, pasalamat sya, kung hindi masasampal ko talaga sya, FIRST KISS ko yun eh.

Paulit ulit parin sa isip ko yung sinabi nya.

Weather you like it or not.
I'm your's You're Mine

Weather you like it or not.
I'm your's You're Mine

Weather you like it or not.
I'm your's You're Mine

Marco POV

Kinausap nya ako kanina na ilabas ko daw muna si fenech para makapag usap sila ni maymay.

Kumakain kami ng ice cream ng mag ring ang phone ko.
Si edward lang pala,
Puntahan na daw namin si maymay at ihatid ko na sila.

Anu na naman kaya ginawa ng bestfriend ko at anung pinag usapan nila. Sila na kaya?
Bestfriend ko sya, kaya alam kong may gusto sya kay maymay kahit hindi nya sabihin.

Naabutan namin si maymay na nagpapa padyak padyak.
Yun bang parang batang ayaw bilhan ng kendi.

Nagulat naman sya ng tawagin sya ni fenech,
Namumula pa ang mukha nya.

Lagot ka sakin edward bro
Haha kailangan mong magkwento, sa isip isip ko..

Hatid ko na kayo, sabi ko sa dalawa, pumayag naman si fenech. Kaya napilitan na din syang sumama.

MAYMAY POV
Pagkahatid sakin ni marco.
Nagpasalamat ako sa kanya at dumiretso na ako sa kama ko.

Parang hindi pa rin nagsink in sa utak ko yung nangyari kanina. First kiss ko, nawala na.

Sa dami ng tao dito sa ating mundo, paano mo malalaman sinong tama sayo

Huwag kayong ano, ring tone ko yan.

Unregistered number? Sino naman kaya to?

Hello?

Hi mhine, huwag mo akong masyadong isipin di tuloy ako makatulog, huwag mo na masyado isipin yung kiss,
Ikikiss nalang kita ulit.
Goodnight.

Magsasalita palang sana ako, pero nawala din agad sa kabilang linya.

Wow, ang kapal talaga.
Kahit walang pangalan
alam kong si edward yun.

Hindi nya na talaga ako
Hinayaang magsalita,
Kanino naman kaya nya nakuha ang number ko?

arrrrgh nakakainis.

Humanda ka talaga Edwardo pag nagkita tayo, ihihiwalay ko yang noo mo.

Unexpectedly Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon