CHAPTER 12

348 22 5
                                    

 
Maymay Pov

Dinala ko sya dito sa lugar kung saan ako madalas tumambay secret place ko ito kumbaga, dito ako madalas pumunta pag nagtatampo ako kay patrick o kapag gusto kong mapag isa, aaminin ko may nararamdaman pa rin ako sa kanya,hindi naman mabilis mawala yun diba, lalo na kung minahal mo sya ng sobra, unang boyfriend pa.

Kay edward, alam ko naman na may kunting puwang na rin siya sa puso ko,pero nalilito pa rin ako, pinagmamasdan ko siya habang nakahiga sa damuhan, ng bigla syang lumingon at nahuli akong nakatingin sa kanya.

Ikaw ah, baka matunaw ako niyan, di mo naman sinabi na gusto mo ako titigan, lika rito mas gwapo pag malapitan 😉.

Ay grabe ang hangin.

Hahaha lapit ka sakin anlayo mo eh di naman kita kakainin.

Baliw ka,
Ehm, edward bakit ako??

Ha??

I mean andami namang iba jan, yung mas maganda mas sexy yung mas mamahalin ka,  bakit ako??

Bakit naman hindi ikaw?

Eh seryoso nga kasi

Seryoso naman ako ah, mukha ba akong nagbibiro?at uulitin ko ang sinabi ko,  bakit naman hindi ikaw eh sa ikaw yung nagustuhan ko, kahit siguro tambakan ako ng mga mas na babae na sinasabi mo ikaw pa rin yung hahanapin ng mata ko, yung presensya mo pa rin ang kailangan ko, kasi sayo tumitibok ang puso ko hindi sa mga mas sexy o kung ano anu pang tinutukoy mo.

Paano kapag nasaktan kita, kapag diko kayang higitan yung pagmamahal na kaya mong ibigay?

Parte na ng pagmamahal ang masaktan, hindi mo naman kailangan higitan ang pagmamahal na kaya kong ibigay sayo tanggapin mo lang masaya na ako.

Napatahimik naman ako sa sinabi niya,  nalilito pa rin ako, ayoko syang paasahin, kasi hindi pa rin talaga ako sigurado sa nararamdam ko,
Ang gusto ko lang naman pag pumasok ako ulit sa relasyon yung sigurado ako kaya kung ibigay ng buo.

Ehm, may, kahit kaunti ba wala kang nararamdaman para sakin?
Hindi mo ba ako kayang mahalin? Kalabisan ba kung hilingin ko sayo na tanggapin mo yung pagmamahal ko?  Pwede bang subukan mo kahit isang buwan lang? kung wala talaga, promise masakit man sakin mahirapan man ako, ako mismo ang lalayo, tatanggapin ko kung anu man ang maging desisyon mo.

Bakit mo naman naisip yan?? Hindi ganun yun ok? Nagkataon lang na ang pagdating mo, broken pa ako, pero siguro nga panahon na rin para palayain ko yung sarili ko sa nakaraan, kung sabagay diko naman malalaman kung diko susubukan, kaya payag na ako.

Ibig sabihin...

Oo na simula ngayon ituturing na kita bilang boyfriend ko.

Wooh yes, promise may gagawin ko lahat ng makakaya ko, makuha ko lang ang pagmamahal mo, at lahat ng sinabi ko tutuparin ko.

Tara na nga may kailangan pala akong bilhin sa mall.

May i love you

Halika na

Ano? Halikan na kita?

Sasamahan mo ba ako o hindi?

Sasamahan syempre.

Kung ganun tara na, para mabili ko na yung kailangan ko, magdadate pa tayo.

Talaga??

Oo nga, ayaw mo ba ako idate na girlfriend mo?

Ang sarap palang marinig na girlfriend na kita, kahit ako lang yung nagmamahal sa ating dalawa.. masaya ako narinig sayo na girlfriend na kita, kahit pa yung salitang mahal kita tyaka na, dahil alam mo ko naman na hindi ka pa handa, tara na??





Authors note: Don't forget to vote thank u, pasensya na sa mabagal na update, busy.

Tanong lang may naga abang pa ba ng story na to??

Unexpectedly Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon