Umibig 7: Files

44 1 0
                                    

chapter 7

PHILIP's POV

Monday morning ngaun pero sobrang excited akong pumasok ngaun. ewan ko ba. eto ako't may dala pa ngang coffee para sa nagiisang tao sa puso ko. tama po ang basa nyo, puso sa puso na talaga ngaun hehe. alam naman natin na matagal ko nang gusto si JM, since college pa. simula nung nabangga ko sya sa college building namin. that time parang nag slow motion lahat ng bagay nung makita ko sya.

Andito na ako ngaun sa tapat ng desk nya. buti nalang wala pang tao ngaun. sinadya ko talagang pumasok ngaun ng sobrang aga para naman walang makapansin. ung coffee hindi naman lalamig dahil s magandang cup ko iniligay, ung tipong hindi lalamig kahit mag hapon.

"parang may kulang." sa isip isip ko lang. naisipan kong magiwan ng note. kumuha ako ng kapirasong papel at ng sulat. "alam ko stressed ka pa, kaya relax lang :) -G" napangiti ako sa sinulat ko at sa linagay kong initials may smiley pa hehehe. oo alam ko na godzilla daw tawag saakin ng mga empleyado ko, naikwento saakin ni JM nung nasa may burol kami. hindi siguro nya napansin na pati un nasabi nya. wala namang kaso saakin un. katunayan nga aminado ako kasi iba talaga ako magalit pag nasa opisina. tinawanan ko nalang ung nalaman kong un nuon.

andito ako ngaun sa tapat nang office ko nang may mga magdatingang mga empleyado. binati nila ako ng good morning at tumugon din naman ako. sabi pa nga ng isa "Good mood ata kayo sir ah". kunwari naman di ko nagets ung sinabi nya "what to you mean?". sumagot naman sya ng "all smiles po kasi kayo ngaun. nakakapanibago lang po hehehe". kaya ayun nginitian ko nalang sya.

ilang minuto pa'y dumating na rin ang hinihintay ko. napansin nyang may nakalagay sa desk nya kaya ung expression sya mukha nya parang nagtataka. tapos nakita kong dinampot nya ung note. napangiti siya, tpos agad syang lumingon sa kinaroroonan ko kaya naman agad ko syang nginitian, sinuklian naman nya ng isang ngiti. hindi ko na alam ang gagawin ko kaya naman kinindatan ko nalang sya at pumasok na agad ako sa opisina ko. hindi ko tuloy nakita ung expression ng mukha nya nung ginawa ko un.

pagpasok na pagpasok ko ng aking opisina ay napa hagod agad ako sa aking buhok sabay " Shit! bakit ko ba sya kinindatan". hindi ko tuloy alam kung anong next move ko. halla. aayain ko nalang siguro syang maglunch mamaya. hehe. gagawan ko ng paraan para hindi na siya makasabay sa mga kasama nya.

JM's POV

sobrang kinilig ako dun ahh. kung kiligin naman ako parang hindi ako galing sa heart break kelan lang. hahaha

pagkatapos kong sumipsip ng konti dun sa coffee na bigay ni Godzilla ko ay ipinatong ko na ito sa desk ko. sakto namang dumating si lance. binati ko agad ito ng "good morning best!" tapos nag beso pa kami, nag good morning din naman sya saakin.

"Wow coffee! for sure masarap yan" sabi nito tapos bigla nalang niyang kinuha un cup uminom dun sa coffee na bigay ni philip. "sarap ahh, akin nalang to. palitan ko nalang mamaya pguwian, my treat!" pahabol pa nya. patay tayo jan. huhu akin lang yan eh wahhhhhh sabihin ko kayang galing kay philip un para ibalik nya, pero baka kung ano pang isipin niya at bigla nalang kumalat sa buong building. isa rin yang madaldal at walng preno ehh. pero ung kape ko paano nalang pg nalaman ni philip to. huhuhu

10 minutes nlng lunch na! yehey sawakas makakapag pahinga rin saglit. haayyyyy.

nagulat ako nang biglang lumitaw si liza sa likod ko na, ang secretary ni Sir Philip. "JM pinapatawag ka ni sir" sabi nito. nako naman gutom na ako ehh. kaya naman agad agad na akong tumayo at nagtungo sa office ni Philip.

pagdatin ko dun ay "pinapatawag nyo daw po ako sir?" tanong ko agad sakanya.

"ah yes, can you please check on this files kasi parang may mga kulang na details eh." utos nito saakin. "ok sir" kinuha ko ung mga files n sinasabi nya at akmang aalis na sana sa office nya nang biglang "dito mo na icheck, para makita ko na rin at madouble check agad." wala na akong nagawa kaya naman ngstay nalang din ako doon.

Always and Forever (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon