Umibig 6: Coffee

71 1 0
                                    

--CHAPTER 6--

JM's POV

"Jaiden . . ."

"Eric . . ." malungkot kong bigkas ng pangalan nya.

alam kong nangigilid na ang mga luha ko at nagbabadya na itong tumulo kaya naman minabuti ko nalang na talikuran sya.

papasok na sana ako sa loob nang aming bahay ng hawakan nya ako sa kamay. "Saan ka galing, Hindi ka raw umuwi kagabi" may pag aalalang tanong nito saakin. nagaalala ba to? eh kung iwan nga nya ako sa restaurant na yun kagabi eh.

biglang naginit ang katawan ko at napuno ako ng galit kaya naman malakas ko syang sinigawan "ANO BANG PAKIALAM MO!!!"

hindi nakakibo si eric, marahil ay gawa ng gulat. kaya naman nang maikalma ko ng kaunti ang aking sarili ay lakas loob akong nagtanong sakanya "Eric . . . minahal mo ba talaga ako?" mahinahon pero may diin sa bawat salitang aking binibigkas.

"I'm sorry Jaiden, yes I . . ." hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nya at mabilis na dumapo ng napakalakas ang palad ko sa kanyang pisngi. Minahal? Ito ba ang matatawag na pagmamahal? hindi ko na napigilan ang sarili ko sa sobrang galit. Sobrang sakit ng aking nararamdaman.

Minabuti ko nang pumasok sa aming bahay at iniwan ko nalang siya sa labas ng aming bahay. pagkasara ko ng gate ay napasandal pa ako dito saglit at tuluyan ng tumakbo paakyat sa aking kwarto ng tahimik dahil ayaw ko namang makahalata ang mga kasama ko dito sa bahay lalo na si mommy.

Pagdating ko sa aking kwarto ay agad ko itong ni-lock. napasadal akong muli sa pinto at tuluyan ng napahagulgol sa sobrang sakit ng aking nararamdaman. Parang binibiyak ang pusu ko ng paulit ulit. Tinutusok ng napakaraming karayom. sobrang sakit ng aking nararamdaman. Apat na taon, apat na taon akong ngmahal, at alam kong hanggang ngaun mahal ko parin si eric. parang sirang plakang paulit ulit na tumutugtog sa utak at isipan ko ang mga masasayang mga nangyari sa apat na taon na yun ng kasama si eric.

nang makahugot ako. kaunting lakas ay minabuti ko nang tumayo at dahan dahan na naglakad papuntan sa aking kama. nakita ko ang masayang litrato namin ni eric, kinuha ko to hinaplos. eto ung litrato namin last year nung anniversary nmin na nicelebrate nmin sa singapore. ang saya saya namin that time. mas lalong nadudurog ang puso ko pgnaalala ko iyon na mas lalong nagpahagulgol saakin. naiinis ako sakanya. naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan ko ang sarili kong mahulog sa isang taong mang iiwan at hindi kayang panindigan ang mga pangako. sa sobrang pagkainis ko ay naibato ko ng sobrang lakas ang litratong iyon na hawak ko, nagkapirapiraso ang frame nito. kung saan ko nahugot ang lakas na yun, hindi ko din alam. marahil sa sa sobrang inis at galit na nararamdaman ko ngaun.

napaupo nlng ako sa aking kama, nakasandal sa headboard at yakap yakap ng sobrang higpit ang unan ko habang humahagulgol. hindi ko na alam ang gagawin ko.

. . .

hindi ko namalayan na sa sobrang pagod ko sa pagiyak ay nakatulog na pala ako. hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog, basta pag gising ko nasilayan ko nalang ang kasambahay namin na si Monay na nililinis ang mga bubog at mga nagkapirapirasong parte ng frame nung picture. sumunod ko namang nakita ang mommy kong nakatayo malapit sa kama ko habang pinag mamasdan si monay na nglilinis.

"bilisan mo na dyan monay at iwan mo muna kami ni JM dito." utos ng mommy ko kay monay. "sige po madam, malapit na po" sagot naman nito habang nagwawalis.

"Ser, ok lang yan. apat na taon lng yun. hayy naku ser, ang dami kayang fishda sa ocean. makakapamingwit uli kayo nang mas hot. hahaha" dagdag pa nito na tatawatawa kaya naman pati kami ng mommy ko natawa at napailing nlng kay monay.

"Umalis kana nga!! SHU!! labas!! hahaha" natatawang pgtataboy ni mommy kay monay. "si Maam talaga ginawa pa akong manok" kamot ulong reklamo naman ng aming kasambahay bago isinara ung pintuan ng aking kwarto.

Always and Forever (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon