May isang barangay sa bicol na nagngangalang CAGBALOGO kung saan nakatira ang magkasintahang Christian at Micah mahal na mahal nila ang isa't isaIsang mayumi at mahinhin na dalaga si Micah, sya ang pinakamagandang babae sa kanilang barangay, at anak sya ng kapitan kung kaya't may kaya ito samantalang kabaligtaran kay Christian sapagkat pangingisda lang hanapbuhay ng kanyang ama at umeextra sa pagsasaka ang kanyang ina
Solong anak sya at umaasa ang kanyang magulang na sya ang magaahon sa kanila mula sa kahirapan
Tutol ang mga magulang ni Micah sa kanilamg relasyon dahil wala raw magandang kinabukasan si Micah sa binata kaya pilit na pinaghihiwalay sila Christian at Micah kaya minsan nalang sila magkita at magusap
Sa labis na pangungulila ng binata sa dalaga inaya nya ang kanyang kasintahan na magtanan para sila ay magsama at para hindi mapakasal sa ibang lalaki ang dalaga dahil pinagkasundo amg dalaga sa iba
"Micah pakiusap sumama kana sa akin pangako sisikapin kong magkaroon ka ng magandang kinabukasan sa pangangalaga ko"pakiusap ng binata sa dalaga
"Paano na ang aking mga magulang?? Pati narin ang iyong magulang??" tanong ng dalaga
"Paano naman tayo kung ang iyong mga magulang ang iniisip mo" sagot ng binata
"Hindi naman sa ganon, ang akin lang sana ay paano na sila kung iiwanan natin" paliwanag ng dalaga
"mamili ka, ang iyong pamilya o ako??"tanong ng binata
"ano bang klaseng tanong yan, syempre parehas ang akong pipiliin"sagot ng dalaga
"mamili ka, kung ang pamilya mo ang pipiliin mo magpapakasal ka sa taong hindi mo mahal, kung ako ang iyong pipiliin sisikapin kong magkaroon ka ng magandang kinabukasan at mamahalin ng buo"sabi ng binata
YOU ARE READING
Three Advice
Short Storyisang lalaking muntik namg mapahamak ngunit nailigtas ng tatlong payo