I want to go home

1 0 0
                                    


Dirediretso ang binata sa silid at kumatok sa pinto

"pasok!" sambit ng matanda

Pagkapasok ng binata sa silid agad syang nagsalita "ipagumanhin nyo po, pero gusto ko na pong umuwi"sabi ng binata

"kung ganon sundan mo ako"sabi ng matanda
.
Agad namang sumunod ang binata sa matanda sa isang malaking silid

"eto ang iyong sahod" sabay bigay nya sa binata "pero bago kaumalis papapiliin kita"pahabol ng matanda

"ano po iyon"takang tanong ng binata

"bibigyan kita ng tatlong payo na makakatulong sayo"sabi ng matanda

"ano po ang payo ninyo?"tanong muli ng binata

"pero kung papayuhan kita, hindi mo na makukuha ang perang pinag hirapan mo ng limang taon, ngayon pumili ka"sambit ng matanda

Agad na nagisip ang binata, alam nyang kailangan nila ang pera, kaso alam din nyang mas makakatulong sa kanya ang tatlong payo, kaya syay nadesisyon at hinarap ang matanda

"nakapili na po ako"sabi ng binata

"ano ang iyong pinili"sabi ng matanda

"ang pipiliin ko po ang payo"sagot ng binata

"napagisipin mo ba ito ng mabuti?"paninigurado ng matanda

"opo " sagot mg binata

"sana di mo pagsisihan ang iyong napili" sabi ng matanda

"makinig ka sa payo ko" sabi ng matanda



Three AdviceWhere stories live. Discover now