Chapter 3

13 0 0
                                    


Chapter 3: After 6 years We Met Again






"Azzan?" sabi ko sabay katok sa pintuan ng cr. Ayoko na kase niya pinapaliguan pa siya.

"Wait lang po mommy, matatapos na ako banlaw nalang po." sabi nito

"Ok Azzan baby, antayin nalang kita. Tsaka magbihis kanalang ah." sabi ko dito. Saka pumunta sa sala.

Nagbunga ang ginawa kong pagkakamali, at ngayon mas lalong nagalit sila mom at dad sa'kin. Nga pala ayaw na magpabihis ng makulit kong si Azzan ewan ko nga e ang matured mag-isip. Nahihiya agad.

Pumunta akong kusina dahil nauuhaw ako, sakto namang tumawag ang bestfriend ko.

Alexa is Calling.....

"Hoy babae, kulang pa itong binigay mo." bungad na sabi nito sa'kin.

"Baliw ka ba? Sakto 'yong binagay ko sa 'yo grabe ka ah. Mayaman kanaman." sabi ko naman dito.

"Mommy who's that?" tanong ni baby Azzan ko

"Si Ninang Alexa na panget, bakit baby Azzan?"

"Hoy, anong panget?! Huwag mo akong pinapanget sa inaanak ko ha? Lagot ka sa'kin." sigaw nito sa phone. Kababaeng tao basagulera.

"Mommy I told you not to call me baby anymore, see I'm growing like a man now." sabi nito.

"Kahit na baby Azzan, you're still my baby. Tara na kailangan nating bumili ng mga grocery natin para laging kang healthy." sabi ko dito. Saka tinignan ang phone ko nakahang pa.

"Puntahan mo nalang kami ni baby Azzan sa Mall, 'yong lagi nating pinupuntahan." saka pinatay ko ang tawag. Ginaganyan niya kase ako lagi. Kaya ganti ko sakanya. WAHAHAHA.

"Tara na, baby Azzan."

"Mommy," maktol nito.

Hihi, ang cute. Nagpopout siya. Yari ka sa'kin baby.
Pagkalabas namin ng apartment ko nagpara ako ng taxi saka sinabi kung saan kami bababa. Ilang minuto lang nakarating na kami, nagbayad ako saka bumaba kami ni baby Azzan ko.

"Baby Azzan gusto mo bang kumain muna?" tanong ko dito nang makapasok kami sa Mall.

"I'm not hungry mommy, but I want to play." sabi nito. Kaya pumunta muna kami ng Toms World. Do'n lang kasi siya naglilibang he's more into books. Lagi lang siyang nagbabasa sa kwarto namin. Minsan naabutan ko nalang na nakapatong na 'yong libro sa ulo niya.

Nagbayad ako ng 50 pesos para magkatoken saka ko binigay sakanya. Pero syempre hati kami. Pumunta agad siya do'n sa machine ng puro stuff toy. Kailangan mong igalaw-galaw 'yong joystick saka pipindutin iyong button saka kukunin 'yong stuff toy. Pero swertehan lang diyan. Ako nga walang nakukuha diyan e, ayaw magpakuha so huwag ng pilitin masasayang lang effort mo.

Ako naman medyo childish, heto naglalaro 'yong tatapakan mo 'yong arrow dapst sundin mo 'yong nasa screen. Para makascore ka ng marami. Pero syempre maykanta. Ito lang ang madalas na laruin ko, ako nga highscore lagi e share ko lang. Nang matapos akong maglaro pinuntahan ko si baby Azzan ko. May natira pa akong 2 tokens. Ibibigay ko nalang do'n.

It's Just A One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon