Hi or hey! Kamusta ang lahat? Ang tagal ko mag-revise? Sorry busy sa school eh. Hahaha anyways, heto na po ang chapter 22 ng HAM *winks
READ AND ENJOY!
--
Chapter 22:
It's been days. Like, lots of days came and went. Pero hati parin kami, dala dala namin sa buong school ang issue na manginginom ang mga sophomore na estudyante.
"So ano mangyayari sayo? I mean, honor student ka eh." Tanong sakin ni Cherry habang naghihintay na mag-bell ang lunch. Kasalukuyan kaming nasa klase pero nakipag-chikahan ang teacher namin sa history kahit 5 minutes nalang e bell na para sa lunch. Katabi ko si Cherry ngayon habang nasa kabila ko naman si Matt na seryoso na nagdodrawing.
Napa-shrug nalang ako sa tanong niya dahil, oo nga pala, honor student ako. Delikado ang pagiging honor student ko, sigurado.
*krriiiiiing!
Lumingon samin ang history teacher namin sabay ngiti at kinaway-kaway niya ang kamay niya na para bang sinasabi na umalis na kami. Sabay sabay kaming sumigaw ng 'thank you sir' sa kaniya tsaka naglabasan ng mga baon namin. Dahil sa matigas ang mga muka namin e nagsiupo ulit kami sa mga upuan namin at dun nalang kami sa loob ng room kakain.
Wala naman nang nagawa ang teacher na kung makatingin samin ay wagas dahil nagsimula nang sumubo yung mga lalake. Parang wala rin silang pake sa mga titig samin dahil kapag gutom, galit galit muna ang eksena.
"Uy, ano ulam niyo?" tanong ni Seth bigla sa kung sino man at napatingin ako sa kaniya. Nagkasalubong tingin namin at tsaka ko inilapit sa kaniya ang adobong baboy na baon ko. Nasa mood akong mag-baon ngayon kaya naman nagpaluto ako sa maid kaninang umaga at mabuti nalang nasa mood rin siya magluto ng ganito, umagang umaga.
"Wow. Favorite!" pag-rereact naman niya tsaka niya kinuha ang isang laman dun na may kasamang malaking taba. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ang daya mo ha. Yung maraming taba talaga kinuha." Pairita kong sambit habang ngumingisi-ngisi lang siya sakin. Dinilaan niya pa yung taba ng baboy at tsaka ako binelatan.
Napangiwi naman ako sa ginawa niya habang nagtawanan naman yung mga kaibigan namin. "KAdiri, pare." Singit ni Matt na tumatawa rin naman. Walang paalam naman niyang kinuha ang ulam ni Seth na fish fillet at akmang mapupunta na sa baunan ni Matt nang biglang tuhugin ni Seth ito pabalik sa kaniya.
"Magpaalam ka nga." pakipot niyang pagbibiro sa bestfriend niya at umiling lang si Matt sa kaniya. "Ang arte mo. Penge ha!" sagot ni Matt at hindi ko naiwasang hindi matawa dahil sa bromance nilang dalawa. kakaiba talaga silang dalawa sa lambingan nila. Hahaha!
"Kamusta pala ang pagiging bad ass?" biglang tanong ni Shanaia at napatigil kami sa pagkain naming lahat. Nang may biglang suminghot e lahat kami tumingin kay Karen dahil sa ginawa niyang yun. Totoo bang umiiyak siya niyan?
"Why are you crying?" mahinahong tanong ni Seth sa kaniya at umiling iling si Karen pero tuloy tuloy parin iyak niya. Uminom siyang tubig niya sa tumbler niya pero umiiyak parin siya kaya naman para siyang nasasamid na ewan sa ginagawa niya ngayon. Hinaplos ko ang likod niya dahil sa pag-ubo niya na pahinhin pa.
"Stop crying, it's okay." Bulong ko sa kaibigan ko at lalo lang siyang umiyak. "Para akong na-discriminate sa bahay. Huhu." Bigla niyang sabi at nagkatinginan kaming magkakaibigan dahil sa sinabi ni Karen.
Sa totoo lang, sa bahay kasi nila Karen e sabihin na nating hindi matino ang samahan ng mga tao sa kanila. Ang ate niyang si Joyce, well, there's something about her that I can't really explain pero masasabi kong may kakaiba rin siyang ugali gaya ni Karen. Yung nakakabata nilang kapatid, suplado at ang bata pa ang lakas na magmura. Paano ba naman, naririnig sa mama nila.
BINABASA MO ANG
A Love Story: He's A Magnet
RomanceA Love Story: He's A Magnet (Completed but editing the revised version) Summary: Ako si Aviana Ruby Montenegro. Mahiyain, maldita pero malambing. Weird combination ng personality hindi ba? Maraming tao ang hindi nakakaintindi sakin kaya maraming...