Chapter 41:
"Totoo palang single ka, Ava."
Napalingon ako sa gilid ko nang marinig ko ang boses ni Andrei. Alam kong ilang linggo na ang lumipas simula nung pumutok ang balitang 'wala' na daw 'kami' ni Seth dahil sa may iba na siyang girlfriend. Nung una, hindi pa naniniwala ang lahat lalo na si Andrei pero sa tingin ko, naka-get over na siya dun kaya heto siya't nakadikit sakin.
"Andrei, matagal na akong single." Simple kong sagot sa kaniya. Kung minsan napipikon ako kay Andrei dahil sa sobrang clingy niya, sa ngayon natatawa nalang ako sa tuwing nag-aattempt siyang makipag-flirt sakin.
Ang cute niya kasi hanggang ngayon sa paningin ko kahit na isa siya sa mga lalaking kilala ko na nabugbog ng puberty.
"So may chance nanaman pala na matuloy ang love story natin kung ganun." Pabulong niyang sabi sakin at tuluyan na akong natawa. Nagkatitigan kami dahil dito pero hindi ko masasabing tulad to ng mga naranasan ko kila Matthew at Seth.
Normal lang ang nararamdaman ko.
"You two look good together." Napa-snort naman akong bigla ng marinig ko ang sinabing ito ng ng napadaan na teacher saming dalawa ni Andrei. Nagkatinginan nanaman kami ni Andrei dahil dito at mas lumala ang hagikgikan naming dalawa.
Agad rin naman tong nawala ng biglang dumating si Matthew at tumitig saming dalawa. Unti unti na nawala ng tawanan naming dalawa at tinignan namin si Matt. "Yes?" mahinahon kong tanong sa kaniya at umiling lang siya sakin bilang sagot.
Ngumiti ako sa kaniya bago muling humarap kay Andrei. "I'm going back Andrei. See you later." Pagpapaalam ko sa kaniya at ang loko ngumiti ng napaka-sexy sakin. Oo, tinawag ko ngang sexy ang ngiti niya. Totoo naman pero hindi ko akalain na makikita ko yung kay Andrei.
Umalis ako sa kinatatayuan namin kanina at bumalik sa sarili kong cubicle kung saan makikita at makakasama ko nanaman ang lalaking iniiwasan ko nung mga nakaraang linggo. Kahit anong iwas naman na gawin ko e hindi ako makakalayo ng tuluyan lalo na't magka-row ang mga cubicle namin.
Kung tutuusin, malapit naman na ako matapos sa huli kong activity bago ako ma-promote sa senior level. Tatapusin ko na ito para magkaroon ulit ako ng privilege na makapasok ng late sa school at maka-gala sa kahit saan, ano man oras dito.
At least di ako mai-stuck sa row na to kasama ang lalakeng to.
Though I can tell that I got over my crush a little. Pero alam ko sa sarili ko na kapag pinili kong lumalim ito at isipin na may chance kaming dalawa ni Seth, mangyayari ang kinakatakutan ko.
Ang magmahal ulit.
Ang nakakatawa pa sa bestfriend ng ex-boyfriend ko.
Ilang oras ang lumipas matapos ang ilang tinginan namin ng pa-simple ni Seth ay natapos ko ang goal ko. Ngayong araw na natitira sa school, binigyan na ako ng karapatan ng head teacher na gawin ang gusto ko sa natitirang mga araw bago ang graduation ng mga senior this year.
Hindi ko napigilang mapa-ngiti ng napakalaki dahil halos may isang buwan bago ang katapusan ng school year na ito at ibig sabihin lang ay matagal akong tatambay sa school at walang ibang gagawin kundi ang mag-assist sa mga teachers, kapwa ko estudyante at syempre magliwaliw.
"Congratulations Ms. Montenegro! I officially promote you as a Senior." Masayang pag-aannounce naman ung head teacher sa buong classroom. Lahat sila ay napatingin sakin na para bang hindi na sila nagulat pa sa ganap na to.
Nagpalakpakan parin naman ang lahat dahil dito at binate rin ako ng mga seniors na gagraduate ngayong taon at dahil karamihan sa kanila ay medyo ka-close ko.
BINABASA MO ANG
A Love Story: He's A Magnet
RomanceA Love Story: He's A Magnet (Completed but editing the revised version) Summary: Ako si Aviana Ruby Montenegro. Mahiyain, maldita pero malambing. Weird combination ng personality hindi ba? Maraming tao ang hindi nakakaintindi sakin kaya maraming...