Sabi nila kapag daw magbestfriend ang lalaki at babae, maiinlove daw sila sa isa't isa eventually. Bakit ganon? Friends pa din kami?Nagkakilala kami sa coffee and tea shop 5 minutes mula sa amin.
"One wintermelon tea, Large"
"150 po" Mahal, yes pero worth it naman
Inabutan ko si ate ng 150
"Hintay na lang po kayo sa table niyo." sabay abot niya ng number ko.
Puno yung shop. Ang mauupuan ko lang yung mga tulad kong solo flight. Dalawa sila, isang babae at isang lalaki.
Naglakad ako palapit sa table nung babae ng may nag-over take sakin sabay upo. Reunion ata. HIgh pitch sila pareho magusap.
No choice. Dun ako kay kuya. Mukha namang walang kasama. Busy pa sa I-pad niya.
"Excuse me po. May nakaupo po ba dito?"
Tumingin siya sakin. Anak ng! Foreigner! Sorry, muntik na akong mapamura. Fil-half. Brown yung mata. pero ibang klaseng brown. Yung buhok pa, brownish din. Naintindihan kaya ako nito?
Malapit nga pala to sa Foreigner's subdivision. Yun yung tawag namin dun kasi puro foreigner nakatira.
Nakatingin lang sya sa akin. Ulo... pababa...tataas...tumigil sa dibdib...Dibdib?! Bastos!
Napatakip tuloy ako.
"You wanna sit?"
"yes?" uupo ba ako?
"Go ahead Iron Man" Iron man?! May dibdib naman ako!
Napatingin ako sa dibdib ko. ahh... Iron man pala suot ko. Kay Igo to, kapatid kong sumunod sa akin
Pag-upo ko, bumalik atensyon nya sa ipad nya. Eple....
Hindi siya payat. Tone nga yung muscles nya sa braso. Tamang tama pa yng fit ng 3/4's nya. Black rimmed eyeglasses.. pierced ear pero walang hikaw. May bracelets din sya. Yung manipis na nabibili sa tabi tabi. Jejemon sa iba pero sa kanya,cool. May silver rings din siya, 2. left thumb at right index finger.
MAy relo siya,silver. Mahilig siya sa silver? teka. Ano yun?!
"Tattoo? Wrist tattoo? tinakluban niya ng relo yung tattoo niya.
"Divisoria watch" Nakatingin na siya sa akin.
Akala niya siguro hahablutin ko yung watch niya o baka akala niya holdaper ako.
"Uhm...Tattoo." bulong ko.
Sumandal siya sa upuan niya habang inatanggal yung relo niya. Pinakita niya yung tattoo sakin.
"celtic knots?" Wala akong alam sa tattoo.
Napa-snort siya. Tatawa ata ng malakas, napigil lang. Lalo tuloy akong nahihiya. Nagb-blush na ba ako?
YOU ARE READING
Missing Pages
RomanceThese are fragments of my eldest sister's stories she wrote on different notebooks. While I was cleaning and organizing papers and stuff I saw and read some of her stories and I found it great! So I decided to share it here. I asked her If I can sha...