W
O
S P O K E N P O E T R Y
R
DN U M E R O
N U M E R O
Written by @aragonlocquiaovIsa, Dalawa, Tatlo, Apat, Lima, Anim, Pito, Walo, Siyam, Sampo
Mga numerong kung saan, naaalala ko, ang mga nakaraan at ang dating tayo
Mga numerong siyang dahilan, kung bakit lagi nalang basa ang aking unan
Ang mga numerong sumisimbulo ng ating nakaraan
Isa. Sapag bilang ko ng isa, nagsimula ang tayo
Nagkaroon ng isang ganap na tayo
Walang halung paglalaro, at walang halong biro
Naganap ang hindi inaasahang pag-ibig natin
Na siyang hindi katulad ng isang malamig na hangin
Dalawa. Lumipas ang dalawang taon, nagpatuloy ang pagmamahalan natin
Sa dalawang taon natin, talagang hindi pa rin nag karoon ng isang tulad ng malamig na hangin
Tuloy pa rin ang init
Ang pagmamahalan natin ay di pa rin talaga nagkaroon ng tanong na bakit
Lahat ng alalang masaya natin dala ng salitang kahit
Tatlo. Tatlong beses mong pinaramdam sakin na ako ay mahalaga
Sa pagbitaw mo ng mga salitang ako ay mahalaga, napabunghalik ako ng iyak, dala ng saya, puso ko ay tuwang-tuwa
Umaapaw ang saya di ko man lang naisip ang kaba
Dala ng pagbitaw mo ng mga matatamis na salita
Na siyang pinanghahawakan ko para mahalin ka
at pinigil ko ang lahat na meron ako para ituon sa pagmamahal na pinapakita mo
Apat. Apat na beses kung pinigil ang ihi ko, ewan ko ba
Siguro dala ng saya
Mas pinili kung magkasakit kesa mawala ka
YOU ARE READING
N U ME R O
PoetryIto ay Spoken Word Poetry para sa mga taong natatakot masaktan at maiwan ng taong mahal nila