LYB-2

26 5 5
                                    

"Mahal ko siya... hindi ko siya kayang saktan." Minsan sabi mo sa akin. Habang tinatanaw natin ang diyosa ng buhay mo. Sadyang ang ganda niya talaga. Nakaka insecure tuloy.

"Pero, nasasaktan mo na siya..." Bulong ko sa iyo. Ngumiti ka lang ng mapakla.

Hays...

Nasasaktan ka...

Nasasaktan siya...

Pero mas nasasaktan ako dahil... mahal kita at handa akong masaktan para sa iyo.

Mas mahal kita kaysa sa pagmamahal niya para sa iyo.

Kailan mo ba iyon matatanggap? Kailan mo ba ma re-realize?

"Mas masasaktan siya kung mapapalapit pa siya sa akin..." Malungkot na sabi mo.

Pero... Nasasaktan din ako... Dahil ang lapit-lapit ko sa iyo pero hindi mo magawang tumingin sa akin. Kaya kong masaktan... Para sa iyo. Handa akong tanggapin ang sekreto mo. Handa akong maka sama ka hanggang sa huling hininga mo.

"Tara na..." yakag ko sa iyo nang makita nating umalis na ang diyosa mo kasama ang mga bago nitong mga kaibigan. Masaya na ang diyosa mo. Nakaka pag move on na simula nang makipag-hiwalay ka rito.

Bago pa kita mahila nang tuluyan... nakita kong may tumulong luha sa mga mata mo.

Ang sakit...

Ang sakit sakit makita na nasasaktan ka.

Pero mas nasasaktan ako dahil alam kong balang araw... Mawawala ka.

Mawawala ka nang hindi ko man lang nasasabi sa iyo na mahal kita.

Mawawala ka nang hindi ko man lang naipapadama sa iyo kung gaano kita kamahal, dahil ang natitirang araw para sa ating dalawa ay sadyang kulang.

Mawawala ka nang nasasaktan ... dahil sa babaeng mahal na mahal mo. Hindi man lang kayo nabigyan nang pag-asa na maging masaya.

Bakit pa kasi ikaw? Bakit pa kasi ikaw ang nabigyan nang ganyang klaseng karamdaman???

LEUKEMIA...

------------

"Tubig."

Mabilis kong kinuha ang baso ng tubig na nasa mesa saka iniabot iyon sa iyo.

Ilang araw ka nang nabuburo dito sa hospital.

Inot-inot na ring nauubos ang buhok mo... nakakalbo kana.

"Salamat..." Nginitian lamang kita.

Kahit ano para sa iyo.

"Basta ikaw." Naka ngiting sabi ko sa iyo. Naka ngiti ako pero sobrang nasasaktan na ako.

Gabi-gabi akong umiiyak. Pero sa tuwing makikita kita... pina pakita ko na malakas ako. Ayaw kitang nakikitang nasasaktan. Ayaw ko ring ipina pakita na naaawa ako sa iyo.

Ang gusto ko lagi mong isipin na kaya mo... Lalaban ka.

"Salamat sa lahat."

Sa unang pagkakataon ngumiti ka sa akin. Totoong ngiti.

Sa lahat nang napagdaanan natin ngayon ko lang nakita ang ganyang ngiti mo. At ang saya-saya ko dahil sa wakas! Napa ngiti kita. Isang totoong ngiti.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko... Tuluyan nang tumulo ang luha ko.

Mahal kita... Mahal na mahal talaga kita.

Napayakap na lamang ako sa iyo habang tuloy-tuloy na tumutulo ang luha sa mga mata ko.

Ang tagal natin sa ganoong posisyon. Magkayakap. Ang isang kamay mo humahaplos sa buhok ko.

Maya-maya naramdaman ko ang patak ng tubig sa pisngi ko. Alam ko. Umiiyak kana rin. Nararamdaman ko ang pag yugyog ng balikat mo.

Nung una... ngumiti ka.

Pangalawa... Umiyak ka.

Nagyon ka lang nagpakita sa akin ng mga ganitong emosyon. Kung kelan malapit na... Malapit ka nang mawala.

Masakit isipin. Ganoon pa man masaya ako dahil naipadama mo sa akin ang mga iyon.

"May hihilingin sana ako..." Mahinang sabi ko. MAlabo man ang hinihiling ko... gusto ko pa ring subukan. At least. Sinubukan ko bago pa mahuli ang lahat.

"Ano iyon?" Halos bulong na pagka sabi mo.

"Mangako ka munang hindi mo iyon tatanggihan."

"Tsss. Pwede ba naman iyon? Hindi ko pa alam ang hinihiling mo."

Napa ngiti nanaman ako. Ang haba kasi nang sinabi mo. For the first time nanaman. Hays..

Bakit ba ngayon ko lang nakikita ang ganitong side mo? Kung kelan... Hays. Ang hirap isipin.

Huminga muna ako nang malalim.

"Gusto ko....

...gusto ko sanang ikaw ang maging f-first kiss k-"

And that day... Was the most magical moment of our life.

You kissed me. Not just once... but twice.

-------------

Kung mahal mo ang isang tao... Handa kang gawin ang lahat nang bagay para sa ikasasaya nito. Handa kang magparaya para sa love story na para naman talaga sa mga taong tunay na nagmamahalan. Hinding-hindi ka magiging hadlang para sa kanilang kasiyahan.

Two weeks ago... Pinalaya kita. Hinayaan kitang maging masaya sa tabi ng diyosa mo.

Two weeks ago... Ginawa ko ang dapat ko nang ginawa noon.

Ang hayaan kayong maging masaya.

Simula nung gabing iyon hindi na kita nakita.

<Flashback>

"Mahal ka niya..."

"Sinungaling. Move on na ako pwede ba."

"He's dying... Next week, next month or baka bukas pwede na siyang mawala dito sa mundo. Alam mo bang ang sakit? Ang sakit sakit na sabihin ko ito sa iyo? Dahil mahal ko siya. Kung kaya ko lang sana siyang pasiyahin hindi na ako lalapit sa iyo. Dahil ikaw... Ikaw ang mahal niya. Sa iyo siya sasaya. Dahil ikaw ang diyosa niya. Ang buhay niya. Sana kahit sa huling pagkakataon... Mapasaya mo siya."

Siguro masaya kana?

Hays... Alam kong ayaw mong malaman ng diyosa mo na mamamatay kana dahil ayaw mong masaktan siya. Pero sinabi ko pa rin. Gusto ko lang na maging masaya kayong dalawa.

GUSTO KONG SULITIN NIYO ANG NATITIRANG ARAW MO DITO SA MUNDO KASAMA ANG TAONG MAHAL NA MAHAL MO. ANG TAONG TUNAY NA NAGPAPASAYA SA IYO.

Leaving Yesterday BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon