Chapter 11: Memories

38 2 0
                                    

Suga's POV

"Mahal na mahal kita BABE"wika ni Hannah

Gulat na gulat ang lahat dahil sa mga sinabi ni Hannah kaya napatingin naman sa akin silang lahat na hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin.

"Oh ano bakit kayo nakatingin sa akin?" Tanong ko sa kanilang lahat

Eh siyempre sinong di magtataka o matatakot eh kung makatitig tong mga tao nakakatindig balahibo

"Hyung bakit ka niya tinatawag ?"tanong ni JK

Grabe kung tinawag lang pala ako. Big Deal kaagad. Sus umiiral na naman tong mga batang to. Pasalamat siya Golden Maknae siya kaya di ko magawang maupakan siya.

"Ikaw ba ang dating Boyfriend nang Pinsan kong si Hannah?"sunod na tanong ni Renzel

Napatingin naman ako bigla kay Renzel na nasa tabi naman ni J-Hope.

"Hyung-"

"Oh ano na naman Taehyung anong tanong mo. Na siya na yung-"

Naputol naman ang sasabihin ko nang biglang naginsert si J-Hope

"Si Hannah ba yung sinasabi mo sa amin na babaeng minahal mo, na first love mo at babaeng pinaghugotan mo nang mga kantang nagawa mo?"tanong ni J-Hope

"Suga siya ba?"dagdag niyang tanong

Grabe walang makakadaig na sa kachismo at echosan ng mga ugok na to. Kahit na silang Boy Abunda at Kris Aquino di na makaachieve sa kanila. Ewan ko ba paano ako nakakatulog dahil sa mga patak nang mga bibig nila.

"Oh Silence Means Yes!!!"sabi naman ni Alyssa

'I think it's Time....'

Bago ako nagsalita ay huminga muna ako nang malalim.

"Oh na, sige inaamin ko na. Na siya nga yung minahal ko nang husto. Ako na yung lalaking nagmahal sakanya na kahit sino man ay walang makakahigit pa. Oh ako na yung lalaking nasaltan ng sobra nung nalaman ko yung nangyari sa kanya. Kahit man nagkita kami wala paring saysay dahil di niya maalala ang aming mga Memories"Sh*t umpisa nang pumapatak ang aking mga luha dahil naalala ko lang ang mga matatamis at mapapait naming mga alaala.

"Hyung tama na,alam naming matagal na panahon na yon kaya magmove-on ka na dahil nakakasama lang yan sa iyo. Magsimula ka na lang nang mga bagong magagandang alaala"suggest naman ni V habang kinocomfort pa ako

"Move-on ha? Ganon ba yun kadali sa inyong sabihin ang salitang move-on. Bakit alam niyo ba ang pinaghirapan ko, kung ano ang mga ginawa ko para lang mahanap si Hannah para malaman kung ok lang ang kalagayan niya, kung saan ko siya makikita. Masakit sa akin na nawala siya kaya di kailanman pinagpalit ko siya sa iba. Pagkatapos sasabihin niyong move-on" galit kong sabi kay V

"Hyung pasensya di ko naman sinasadya"pagmamakaawa ni V

"I understand and I think kailangan ko munang magpalamig"

Nung nakatalikod na ako at akmang lumakad palayo ay nagulat naman ako na may halong curios dahil biglang naging tahimik ang buong ER kaya unti-unti akong humarap at nakita ko si Hannah na naka-upo sa Bed niya at nakatingin lang sa akin. Na ngayon ay nag-uumpisa nang lumuluha.

"Yoongi wag mo kong iwan"pakikiusap na sabi ni Hannah sa akin

"I think we have to leave the both of you"sabi naman ni tita Siarrah(mommy ni Hannah) bago lumabas

"Sige hyung labas muna kami"sabi ni Jimin habang nakaakbay sa girlfriend niyang si Swetzel.

Nung nakalabas na silang lahat ay unti-unti akong lumakad palapit kay Hannah. Di ko alam kung ano ba yung nararamdaman ko ngayon. Kung maging masaya ba ako dahil naalala na ni Hannah ang mga nangyari noon at sa amin o malungkot dahil naawawa ako sa kalagayan niya ngayon.

Surrounded by 7 Handsome Dwarfs(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon