Aurora 07

329 37 2
                                    

Aurora

2 hours later

Tumutulo ang pawis ko habang hila ang dahon ng niyog. Ito ang gagawin kong bobong sa ginagawa kong barong-barong o kung ano man ang tawag don. Alam mo yun? Yung parang bahay kubo ang dating pero dalawa lang ang pillar niya ta's nakasandal lang ang mga langkay ng niyog para maging bobong. Na gets mo ba? Ahhh basta parang ganon.

Taga probinsya ako kaya hindi ako ignorante sa mga halaman sa paligid at alam ko naman ang gagawin kasi mahilig kaming magbahay-bahayan ng mga kaibigan ko noong bata pa ako kaya pansit lang to.

"Bilisan mo naman!"

"Opo" Binilisan kong hilahin ang langkay. Hayst! Kung hindi lang ako professional nako baka nasigawan ko na tong si Sir Alex. Pa'no ba naman! Nakasunod lang siya sa'kin at wala man lang planong tumulong. Pinanindigan n'ya din talaga ang pagiging boss. Hay!

Nakasunod siya sa'kin hawak ang isang stick. Ewan ko lang kung anong gagawin niya sa stick na bitbit niya.

"Aurora! Wait!" Huminto ako at nilingon siya. Kakasabi lang niya na bilisan tapos pang binilisan magpapahintay. Ang gulo lang ah!

"Ano?" Medyo naiinis kong sabi.
Sinabihan ko na kasi siya na maghintay nalang don sa tabing dagat, pero nagpumilit siyang sumama.

Tumaas ang kilay ko nang makitang hindi siya gumagalaw at parang tuod na nakatayo. Okay, mukha siyang natatae na ewan. Tagaktak ang pawis niya at namumutlang nakatingin sa'kin.

Nag pout siya at ginalaw-galaw ang labi. Huh? Para talaga siyang ewan. Hmmf! Pero kyah! Cute siyang tignan hahaha!.

"Ano?"

"Hmmmmm.." Ginalaw-galaw niya ulit ang labi niya.

Parang nagiging weird na siya. Bakit ba kasi ayaw niyang magsalita?

"Ano ba yun? Alex? Huh?" Hindi parin siya nagsasalita o gumalaw man lang.

Ibinaba ko muna ang dala ko at nilapitan siya. Hindi naman siya ganon kalayo mga sampong hakbang lang.

"Hump!"
Mas lalo siyang namutla at mariing ipinikit ang mata.

Mukhang may hindi tama sa kaniya. Meron talaga!

Woah!

Lumaki ang mata ko nang makita ang nakapulupot na ahas sa binti niya. Oh my! Kaya pala hindi siya gumagalaw. Yay!

Oh my gosh! Ahas!

"Wag ka lang gumalaw!" Natataranta ako! Hala! Inilibot ko ang tingin sa paligid. Nako naman! 

Oh my gosh!
May nakita akong stick at mabilis na pinulot.

"Pagsinabi kong talon! Tumalon ka nang mataas! Okay?" Ito nalang ang naiisip kong paraan.

Nakapikit parin siya at pilit na tumango.

Huminga muna ako ng malalim. Hay! Kinakabahan din ako. Huhuhu!

"TALON!"
Mabilis kong sabi at hinanda ang stick na hawak ko. Hahampasin ko ang ahas pag nalayo na sa katawan ni Alex.

Mabilis na tumalon si Alex.

"TE-KA!"
Nagulat ako ng tumalon siya papunta sa akin. Anong!?

Nang makita kong lumundag ang ahas mabilis ko tong hinampas at tumilapon sa malayo.

Yay! Natamaan ko yung ahas. Ang galing ko talaga hehehe!

"I did it! Alex?"
Nilingon ko ulit si Alex pero wala siya sa kinatatayuan niya kanina. Sa'n nagpunta yun?

"Alex?"
Tinignan ko ang paligid pero wala naman siya.

Hmmmm! Weird talaga ang isang yon.

"ALEX?! ANONG NANGYARI SAYO!?" Pagtingin ko kasi sa baba, nakita ko siyang nakadapa sa damuhan.
Hala!

"Oi Alex!" Oh my Gasss! Baka patay na siya.!

Hinawakan ko ang balikat niya at hinila paharap.

"Hala!"
Ma-y may pasa ang mukha niya! Sa'n niya yan nakuha?

Hala!
Ako ba ang may kasalanan niyan? Nako naman! Nahampas ko din yata siya. Huhuhu.

Oh may Gasss!

Napatay ko si Alex!

© All right reserved 2019. Binibining_Yet

Hala! Murderer na si Aurora.
Makukulong kaya siya?
Comment kayo. ^_^V

Aurora Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon