Aurora 06

414 39 2
                                    

Aurora

No way!

Siya yun....... Yung anak ng president.

Huh?

May anak ang president? May anak? Panong may anak? What? Nakakalito naman. Iba naba ang presidente? Kasi wala namang anak ang presidente eh.

Ay, baka hindi sa Philippines. Tama!  Hindi pa naman ako familiar sa mga president ng ibang bansa.

"Huh! Oh ano naman kung presidential son ka? So what? Baka akala mo....... Oh may pang bayad kaba? 'Tyaka, magkano naman ang salary ko sa pagiging personal maid mo?" I was just thinking. Mabuti narin yung may part time job ako while nasa island. Kasi di naman ako mayaman kaya nga ako lumuwas ng Manila para maghanap ng trabaho. Kaya instead of wasting time sisimulan ko na dito. Sabi naman niya millionaire siya oh di bonga!

"Name your price!"

Waahh! This is a great opportunity. Yay.

Kahit na nakakainis siya I can be professional. Kaya ko siyang pakisamahan at syempre with a good price.

"Ahmmmm... Iisipin ko na muna tyaka I just wanted to tell you na mahal ang singil ko."

"No problem. Just do your job well."
Nakapamulsa siya habang nakatingin sa'kin.

"Okay. I'm in"
Yehey! May trabaho na ako.

Kahit papaano may silbi rin pala siya. Habang hindi pa kami narerescue I'll be his paid maid.

Pero wait!

"Mayaman ka ba talaga? Baka naman ma scam ako." Nakataas ang isang kilay ko habang kausap siya.

"Tsk! You have my word."
Panigurado niya.

"Okay! Mr?"

"Alex. Alex Ferrer."
Naks sosyal pa talaga ang name niya.

"I'm Aurora Dimakulangan"
Inilahad ko ang kamay para makipag shake hands.

"Mmmmffffff! Hahaha! Dimakulangan? What a funny surname" Natatawa talaga ang mukha niya. Hump! Muntik ko nang makalimutan na napaka bully niyang tao. Hay! Sobrang gwapo niya pa naman. Sayang talaga, super turn off na ako.

"May problema ba tayo sa apelyedo ko?"
Naka poker face kong sabi.

Nagpigil siya ng tawa bago tinanggap ang kamay ko.

"Ahmmmm Nothing Ms. Dimakulangan. Mmfffffgppppp!" Namumula ang mukha niya. Ganon naba talaga ka pangit ang surname ko? Kasalanan to ni papa eh. Hay!

"Okay sige. Dahil I'm your PM as in Personal Maid dito sa isla, Ako ang bahala sayo."

© All right reserved 2019. Binibining_Yet

Short part heehehe.

Votes and comments are highly appreciated. Thanks

Aurora Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon