Print #2

2.9K 16 0
                                    

"Happy 6th Anniversary Babe" bati ko sakanya sabay abot ng isang kahon. For 6 years na naging kami sobrang dani naming memories, naalala ko pa nga noong unang taon namin, nagaway kami non pero pag uwi ko may suprise party sa bahay.
Sobrang naiyak ako non kasi unexpected. Mahilig sa surprises si Demver.
"I fooled you, i'm sorry Joy."
Nakatungo n'yang sabi. Hindi sya makatingin sa aking mga mata at nanatili syang tahimik.
"Saan tayo kakain?" Pagbabalewala ko sa sinabi n'ya
Baka kasi binibiro lang ako ni Demver ,baka gusto nya lang akong isurpresa.
"Hindi mo ba narinig Joy? ,niloko kita. Mag-break na tayo"
Nawasak ang buong sistema ko sa huli n'yang sinabi.
Gustong gusto ko magalit, murahin at suntukin sya.
Gusto kong isumbat yung anim na taon na nagpakatanga ako sa kanya.
Iparamdam na wala lang sakin ang lahat pero hindi ko kaya.
Hindi ko parin pala kaya.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, ni hindi ko nga alam kung dapat ba na may isagot pa ako. Pang ilang beses na nya akong niloko pero wala eh, natatakot ako na maiwan
"I don't deserve a girl like you" pagbasag nya sa katahimikan.
Tuluyan na ngang bumagsak na parang waterfalls ang mga luha kong kanina pa nagbabadyang tumulo.Hindi ko na kayang pigilan. Masyado nang masakit.

Hindi pa ako nakaka-recover ng bitiwan nya ang aking mga kamay. Naglakad na s'yang palayo ...palayo sa akin

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Sa ikatlong hakbang nya ay hinigit ko ang kanyang braso at lumuhod sa harapan nya.
"H'wag mo naman akong iwan oh, may kulang ba sakin?
May mali ba sakin? Sabihin mo naman Demver." Hindi nya ko pinansin at tinabig lang ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso. Naging malakas ang pag tabig nya sa kamay ko kaya nawalan ako ng balanse at napaupo.
"Hh-huwag mo naman a-akong iwan" nauutal at paos kong sabi habang tuloy parin sa pag agos ang luha ko ngunit hindi nya ito pinansin at naglakad na palayo hanggang sa mawala na sya sa aking paningin.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naglakad lang ako ng naglakad at namalayan ko na lamang na dinala na pala ako ng aking mga paa sa parking lot.

Nanginginig ang mga binti kong naglakad para marating ko ang dulo ng parking lot. Puno kasi ang nasa unahan kanina kaya wala akong choice.
Nakaramdam ako ng hilo kaya napaupo ako at napasandal sa pader. Nagsimula na namang bumalik ang aking alaala tungkol sakanya. Akala ko noon puro masasakit na pangyayari ang maaalala ko kung maghihiwalay kami pero mali na naman ako.
Bumalik ang lahat sa kung paano kami nagsimula.
Napayuko nalang ako at ibinaon ang ulo ko saking binti.
Nagunahan na naman sa pagtulo ang mga luha ko.
Wala na kong paki kung mukha na kong sadako o mukha na kong tanga dito.
"M-mmamatay na sana lahat ng manloloko!"
Napa angat ako ng mukha upang punasan ang aking mga luha ng may lumapit na lalaki. Simpleng fitted long sleeves at jeans lang ang suot nya pero bakat ang biceps at ang abs nya. Matangos ang ilong at mejo magulo ang buhok nya.

"Miss ,hindi bagay sayong umiiyak ang panget mo"
inilahad nya ang kamay na may hawak na panyo.
Hindi agad ako nakasagot dahil first time ko masabihan ng panget.
Panget ba ko?
Kapalit-palit ba ko?
Sinamaan ko sya ng tingin at magsasalita na ako ng...

"Ayaw mo? Okay."
ay abnormal din pala to eh
di ko pa nga sinasabing ayoko e.
Kaylangan ko talaga ng panyo dahil tutulo na sipon ko.
Imbis na tulungan nya ako ay tumalikod na sya,kaya agad kong inagaw yung panyo na hawak nya. Hindi na ko pinansin ng lalaki at umalis na. Napatingin ako sa panyong hawak ko.

Kxyleir.

Kxyleir..

Kxyleir...

Siguro,pangalan nya to.Ibabalik ko nalang kung sakaling magkita ulit kami.

Heartprints [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon