Evonee's P.O.V
"LOLA naman eh" bigla akong napasinghot ng makita ko ang kalagayan ng aking nag-iisang kapamilya, pwede ring kapuso na si Lola Aida, sobrang tanda na niya at hindi na niya kayang maglakad, marami naring nakadikit na Apparatus sa kanyang mga katawan, Hindi siya comma, Pero nasa ICU siya dahil kailanagan niya ng matinding pag-aalaga, nakakapagsalita pa siya, Pero tinaningan na ni Doc ang kanyang buhay, At ayun ang guguho ng mundo ko dahil mawawala ang nag-iisa kong lola. Si Lola Aida.
"A-Apo" Nauutal itong nagsalita at humarap sa akin.
"A-Ano po la? May kailangan kayo? " Nag-aalalang tanong ko sa kanya atsaka hinawakan ang kanyang braso.
"A-Alam kong malapit na akong mamaalam" Nauutal niya parin sabi at hinawakan ang kamay ko, maluha-luha ko siyang tinititigan, kung pwede pa lang lola, mamahinga ka na, kaysa nakikita kitang nahihirapan .
"Lola naman eh" wika ko "W-wag naman kayong magsalita ng ganoon" Dagdag ko habanag pinipigil ko ang mga luha na unti-unti nang namumuo sa gilid ng mga mata ko.
"A-apo, May favor sayo si Lola" Humarap ako sa kanya "Ano po yun la?" tanong ko sa kanya.
"Pakikuha ng bag ko na pula sa ilalim nitong kama" sabi niya sa akin. Wow handa si lola? Ano naman kaya ang nakalagay doon sa bag nayun? Hmm...
"Bukas mo apo" Nakangiting sabi niya sa akin, Binigyan ko rin siya ng isang ngiti, isang matamis na ngiti.
Binuksan ko iyon at ng Makita ko, may tinatayang 200,000 ang laman ng bag na iyon, Hindi ko parin ako makapaniwala sa nakita ko, Yeng tetee saan to kinuha ni lola?
"K-Kulang pa yan apo" sabi ni lola, napatingin ako rito.
"May nakikita ka diyan na panty ko, isang malaking panty" Napanganga ako sa panty ni lola, ha? Nakashabu ba si lola? Aanhin ko naman ito?
"Iyan ang pinakaimportante sa lahat ako, ang salawal ko H-Hindi—" biglang nangisay si lola
"Lola? LOLA!!!!!" napasigaw ako at nabitawan ang bag na naglalaman ng pera " Nurse! DOC!!!! Shutang inerns!!! Tulungan niyo ako! I mean yung LOLA KO!!" habang hinawakan ko ang lola ko sa braso at tinatapik-tapik ang mukha nito ng bigla itong magising.
"A-apo, wag ka nga! Hindi pa ako tapos, maka react ko wagas!" sabi niya sa akin, Napanguso ako sa kanya psh! Kala ko naman kung naano na "o eh Aanhin ko ito la?"
"Wait lang apo, kuha kang papel" dali-dali akong kumuha ng papel at ballpen " Hanapin mo ang isang apartment, at ang address ay 17-B Hulog ng langit St., Steinfield City"
"Ipagsekreto mo ang iyong paglipat, wala dapat makakaalam kung saan ka lilipat"
At tuluyan na nga siyang natigok, hindi na ata siya humihinga at pumikit ang kanyang mga mata, biglang tumigil ang mundo ko at binangga ako ng mga nurse at doctor, Lutang ang isip ko sa ngayon, hanggang sa hawakan ng isang nurse ang balikat ko.
"Maam, ito po yung pulang bag, Lumabas po muna kayo upang ma revive pa namin ang lola niyo" Habang tinutulak ako papaalis ng ICU.
"H-Hin—" Hindi na ako nakahinde, ano pa? eh nakalabas na ako ng pinto ng ICU, sinara nila ang pinto, habang patuloy akong umiiyak, wala akong ibang iniisip kundi ang lola ko.
Biglang lumabas sa pinto si Doc " Sinubukan namin buhayin siya pero hindi na niya kinaya, I'm sorry the time of her dead was 11:11 PM, Condolence" sabi niya habang tinatapik-tapik ko niya ang balikat ko. Wala na, wala na ang nag-iisang lola ko
***
Limang araw ang nakakaraan ng inilibing si lola, hindi ako umattend ng pag cremate sa kanya kasi bawal daw ako. Kaya ayun ibinigay nalang nila sa akin ang isang jar na kung saan naroon ang mga labi ng aking namayapang lola.
Nakatira ako ngayon sa mansion ng lola, hindi rin naman ako magtatagal sa mansion ito sapagkat lilipat ako sa ibinigay niya sa aking apartment.
Nagliligpit ako ngayon ng mga gamit ng lola ko, nanunupi, pagkatapos kung manupi ay inilagay ko ito sa kahon, Binalot ko ito ng puting tela.
"Ate, Kuya pasensiya na kayo ha? Wala na kasi akong maipagswesweldo sa inyo, wala na kasi si lola eh" Pagpapasensiya ko sa mga katulong ni Lola.
"Okay lang po yun mam, uuwi nalang ako ng probinsiya para makasama ko naman ng matagal yung mga anak at apo kong naiwan doon" sabi ni Manang.
"Pero kapag may kailangan ka mam ha? Tawagan mo lang kami" Ngumiti ako sa isa pang katulong na nag-aalsa balutan na.
"Basta mam, hindi parin kayo magbabago ha?" sabi ng Driver ni lola.
"Eh mam, saan po kayo lilipat?" Tanong sa akin ni Manang, bigla naalala ko ang huling habilin ni lola.
"Ipagsekreto mo ang iyong paglipat, wala dapat makakaalam kung saan ka lilipat"
"Ah-eh sa-sa BESTFRIEND ko po si Mika, ddoon po ako lilipat.
"Talaga? Mag-ingat ka doon ha?" Tinapik ako ni Manang.
"O siya't aalis na kami mam ha? Kayo nalang po ba ang magsasara ng Mansion ito?" tanong sa akin ni Manang.
"Opo, ako nalang magsasara, O sige nab aka mahuli pa kayo sa biyahe niyo!" ngumiti ako kay manang.
"Oyy ikaw Tessa ha? Baka puros boyfriend ang inaatupag mo diyan" Biro ko sa isang katulong
"Ano ka ba naman ate! Hahahaha siyempre maghahanap muna ako ng trabaho bago ako pumasok sa malanding ugnayan hahaha" Tumawa ito ng malakas
" O Mauna na kami! Sabay-sabay nalang kaming aalis mam, Mag-ingat po kayo mam ha" sabi ng driver at patuloy na silang umalis, kumaway-kaway ako hanggang sa hindi ko na sila mahagilap, Pumasok na ako ng mansion dahil may marami pa akong aasikasuhing mga bagay-bagay sa loob nito.
Tinakpan ko ng mga puting tela ang mga antique na appliances at kung anu-ano pa man upang hindi ito maagiwan, kinuha ko ang mga picture namin ni lola at itinabi ito sa isang karton. Tumulo ang mga pawis ko sa paglilinis ng Mansyong ito, Nakakapagod na ha?
Pagkatapos kung maglinis ay naligo ako, pupunta kasi ako ng Mary's International School, kukunin ko lahat ng documents ko doon dahil magtratransfer ako sa isang school na tinatawag nilang "St. Sebastian High"
***
Someone's POV
"You have to get that panty" Isang nakatalikod na babaeng nakaitim, may wineglass itong hawak, Siyempre ang laman ng wineglass ay isang 'Red Wine'.
"B-But Senyora wala na siya sa—"
"I don't care! Hanapin mo sila! Wala akong pakialam kong patay na si Cristina Policarpio! Hanapin niyo sa Mansion niya ang panty iyon! hindi lang 50.1 Million ang nakalagay doon, 100 Billion! We have to get that!" sabi ng babae. Umalis ang lalaking nakablack upang ipagpatuloy ang paghahanap sa nag-iisang apo ni Cristina Policarpio.
Ibinato nito ang baso sa sobrang inis. "ARRRGH!!"
"Ano na naman ang binabalak niyo mga Policarpio!"
YOU ARE READING
Sino ang Kumuha ng Panty ni LOLA? (On Going)
HumorApat na lalaki Isang babae Babaeng nagmamay-ari ng isang 'PANTY' na nag-iisang alaala ng kanyang kakamatay niya palang na lola Ay nagsama sa iisang bahay? Ngunit may isa siyang PROBLEMA. Sino ang kumuha ng panty ng kanyang lola? Possible bang 'isa'...