Una

21 0 0
                                    

                                                                                           LIWANAG

A/N: Ito ay isang 10 minute play kaya babaguhin ko ang ilan para maging ayon sa mga mambabasa dito. Hinati ko rin sa dalawag part ang dulang ito. Salamat :*

---------------

Magandang araw! Bago ko simulan ang dula ay nais ko munang ipakilala ang mga tauhan sa dulang pinamagatang Puti-Pula.

Luis- 25 years old, Lalaki, masayahing kaibigan ni Hayme

Hayme- 26 years old, Lalaki, may interes kay Nadya

Nadya- 26 years old, Babae, may lihim na itinatago

Ang tatlong ito ay kapwa Pharmacist sa isang lumang botika sa bayan ng Magicar!

Maligayang pagbabasa!

Liwanag, makikita ang abalang si Hayme, puti ang kasuotan mula pang itaas at may makikitang name tag sa may dibdib nito kung saan nakasaad ang pangalan nya. Abala si Hayme sa paghahanap ng gamot sa pharmacy kung saan sya nagtatrabaho, habang nakamasid sa kanya ang kaibigang si Luis na ganun din ang kasuotan nang may halong pagtataka rito.

LUIS: Hayme.. ano bang ginagawa mo? Nag iinventory kaba, masyado pang maaga para jan

HAYME: Hindi.. Asan na ba kasi iyon...

LUIS:Eh, bakit ba panay ang kalikot mo jan sa mga gamot, at talagang sinusulat mo pa?

HAYME: (Titigil sa ginagawa at mapapatingin sa kaibigan) Hinahanap ko lang yung gamot na ginagamit ni Nadya, kaya ko sinusulat para alam ko na nacheck ko na to at hindi ito yung gamot na hinahanap ko. Sigurado ako Luis na isa sa mga gamot dito ang gamit ng babaeng un.

( Ipagpapatuloy ni Hayme ang ginagawa samantalang matatawa na lamang sa kanya ang kaibigang si Luis na patuloy ang pagmamasid sa kanya)

LUIS: Malala kana Hayme, hanggang ngayon ay nais mo parin malaman ang hiwaga jan sa bohok ni Miss. Nadya? Baka nakakalimutan mo yung kwento ni Sir Joseph nung isang araw, na yung unang nakaalam dun sa hiwagang bumabalot sa buhok ni Nadya ay hindi na nakita ..

HAYME: Yun na nga ang nakapagtataka e, bakit nawala ung Pharmacist na yun pagkatapos malaman yung gamot na ginagamit ni Nadya. Anong klaseng gamot ba yun? Alin dito?

LUIS:Eh. Sigurado kabang Gamot talaga yun? (pabiro) Baka mamaya mangkukulam pala talaga yan si Nadya

HAYME:Bakit? May iba pabang pwedeng gamitin si Nadya para maging ganun ka ayos ang buhok nya sa twing narito sya? Pharmacy to kaya panigurado isa dito ang sagot! At di ako naniniwala sa kulam!

LUIS: Nababaliw kana Hayme. Hindi ba maaring malinis at maalaga lamang si Nadya sa buhok kaya ganun na lamang ang ganda at kinang nito? !

HAYME: Hindi ako nababaliw!. ( lalapitan ang katrabaho) pwede bang wag ka masyadong maingay

( ituturo ang puting pinto sa kanyang likuran na may nakasulat na Storage)

Nanjan namang si Nadya. Sigurado sa mga oras na to ginagamot nya ang buhok nya.

(Titingin sa relo) tuwing sumasapit ang alas-syete ng gabi, umaalis sya dito at babalik na lamang na may mas makinang na buhok.

LUIS: Aba! Pati talaga oras alam mo?. Ganyan kana ba kahibang na alamin ang meron sa buhok ni nadya ? Alam mo Hayme minsan nakamamatay ang sobrang pagtataka. Curiousity kills ika nga ng iba.

HAYME: Wag mo nalamang ako Pansinin, Basta gagawin ko ang gusto ko. Aalamin ko yung gamot na yun kahit anong mangyari

LUIS: (Aakbayan ang kaibigan)Iba ka talaga! kapag gusto mo gusto. Baka naman type mo lang si Nadya ah? Tandaan mo ito ang pang tatlong linggo mo dito umayos ka kung ayaw mong mawalan ng Trabaho!

HAYME:Hindi mo naman ako isusumbong dahil sa pakikialam ko sa mga gamot kahit di pa inventory diba? Magkaibigan na tayo nun pa bago tayo naging Pharmacist kaya tiwala ako sayo.

LUIS: Bahala ka na nga, Kakain na muna ako!

( aalis si Luis at maglalakad patungo sa pintong may nakasulat na storage)

HAYME: Wag kang maingay kay Nadya.

LUIS:( Saktong pagbukas ni Luis ng pinto ay makikita ang isang Morenang babaeng may mahaba at makinang na buhok na tulad nila ay kulay puti din ang suot nito) 

Oh! Nadya! tapos kana bang mag ayos ng bu... ng pinagkainan? Nabusog ka naman ba?

NADYA:(mapapangiti dahil sa asal ni Luis) Tapos na, pwede ka ng magpahinga Luis. 

Ikaw naman ang kumain.

(Lilingunin ni Nadya si Hayme na ngayon ay nakatingin sa kanilang dalawa)

LUIS: Ah e.... sig...sige maiwan ko na kayo ni Hayme dito .

(Mabilis na isasara ni Luis ang pinto ng storage matapos syang pumasok rito at iwan ang dalawang kasama)

NADYA: Inventory? Maaga pa para dyan Hayme.

HAYME: Oo.. nag iinventory nako para mamaya madali nalang ang gawain..

NADYA:(tutungo sa unahang parte ng entablado at wariy sinisilip mula sa malayo ang customer)

Pero may mga customer pang paniguradong darating..

HAYME: Ayos lang! Kaunti na lamang naman ang nagiging customer tuwing Gabi

NADYA: Ganyan kaba talaga? ( mapapatingin si hayme sa wika ni nadya) kung ano ang gusto mo, iyon ang nasusunod kahit alam mong mali?

HAYME:Anong ibig mong sabihin?

NADYA: Wag kang magkaila Hayme, hindi ka naman talaga nag iinventory tama ?(Lalapitan si hayme) Iba ang iyong pinagkakaabalahan, at ano iyang papel na hawak mo? Hindi naman iyan ang listahan para sa invetory Hayme.

HAYME: Pwede ba Nadya, wag kang makialam. Mas mabuti kung pumunta ka sa pwesto mo at mag antay ng customer na darating.

NADYA: Bakit naman hindi ako makikialam? Iyang mga gamot na yan ay para sa mga customer at hindi para satin Hayme. Kung nakukuha mo ang punto ko.

HAYME:Kung para ito sa mga customer, bakit gumagamit ka nito?

NADYA:Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko? Hindi para satin. Para sa customer ang mga gamot dito

HAYME:Kung ganun hindi gamot ang gamit mo!

NADYA:Masyadong malinis ang kulay Puti para sayo Hayme. (mapapatingin sa paligid) Siguro dapat lagyan natin ng ibang kulay ang pharmacy na ito.

HAYME:Ano bang pinagsasabi mo Nadya? Wag mong ibahin ang usapan!

NADYA:Sinasabi ko na nga ba. Para sakin ang pinagkakaabalahan mo. ( matatawa) nais mo rin bang malaman ang sinasabi nilang gamot na gamit ko?

HAYME:Nanggaling na din mismo sayo , gamot ang gamit mo jan sa buhok mo!

(hahawakan ni Hayme ang braso ni Nadya ng may pagpipilit) Alin dito Nadya! Alin sa mga gamot dito ang kinukuha mo para sa buhok mo!

NADYA:Bitawan mo ako Hayme! Hindi mo ako lubos na kilala. 

(lalayo si Nadya kay Hayme)

Maaring gamot, maaring hindi. Dalawa ang pwedeng kahulugan ng salitang Gamot. Gamot para sa may karamdaman, at gamot para sayo.

Puti-PulaWhere stories live. Discover now