Dalawa

5 0 0
                                    

HAYME

(matatawa) Kung ganun ay hindi rin bagay sayo ang puti Nadya, masyadong maganda ang puting kulay para sayo. Ikaw ba ang dahilan ng pagkawala ng isang Pharmacist dito? Nang malaman nya ang sektreto mo ay pinatay mo sya tama?

NADYA

Maganda ang Kulay pula Hayme. Maganda para sayo at sa kaibigan mong si Luis.

HAYME

ano bang pinagsasabi mo? Madali naman ako kausap Nadya e, Nais ko lang malaman ang totoo.

NADYA

Para sa anong rason? (Matatawa)Wag mong sabihing naiinggit ka rin sa buhok ko Hayme? O baka ako ang nais mo?

HAYME

Kinaiinggitan ka Nadya, kahit lalaki, gaya na lamang nung nawalang Pharmacist dito. Bakit nga ba nawala sya Nadya? Bakit naglaho sya kasabay ng pag alam nya sa hiwaga ng buhok mo? Simple lang ang rason kung bakit ko gusto malaman, dahil Gusto ko. At kapag gusto ko gusto ko Nadya. Sa oras na malaman ko ay hindi lang ikaw ang kaiinggitan dito. Tayong dalawa Nadya ang kaiinggitan nila!

NADYA

Hibang kana? Wala kang pinagkaiba sa isang batang walang magandang laruan, kaya pinagpilan ang sarili na magkaron kahit sa maling paraan. Hindi gamot ang gamit ko Hayme!

HAYME

Kung hindi gamot! Anong bagay Nadya!

LUIS

AHHHHHHHHHHHH!!

(mapapalingon ang dalawa sa sigaw na maririnig, matataranta si Hayme sa sigaw ng kaibigan samantang matatawa si Nadya at gulat na mapapatingin sa kanya si Hayme)

NADYA

Mukhang naunahan kana ng kaibigan mo sa pag alam Hayme.

HAYME

Lu..luis!! (pilit na bubuksan ni Hayme ang pinto ngunit tila naka lock ito sa loob) Anong nangyayari! Luis! Lumabas ka!

NADYA

Buhay pa sya, wag kang mag alala. Hindi agad kakalat sa katawan nya ang lason.

HAYME

La...Lason?!! Anong Lason ang pinagsasabi mo Nadya!

(akmang lalapitan ni Hayme si Nadya ng biglang bumukas ang pinto ng storage at iniluwa nito ang duguang si Luis)

Luis! Anong nangyari sa loob! Anong..

LUIS

Alam ko na.. Alam ko na Hayme, hindi mo na kailangan alamin ang gamot ni Nadya.

(Naghihingalong wika ni Luis)

Hindi gamot Hayme.. Bakit hindi natin naisip? Simple lang ang gamit nya

(matatawa kahit nahihirapan ito)

HAYME

Ano bang pinagsasabi mo? Kung hindi gamot ano!

NADYA

Suklay!!

(mapapalingon ang dalawa sa kanya, habang si Luis naman ay unti unting mapapaluhod at hindi na mainda ang sakit ng katawan at kamay nito na duguan)

LUIS

Tama..Su...Suklay Hayme. Iyon lamang ..kakaibang suklay.

HAYME

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Puti-PulaWhere stories live. Discover now