006

67 9 1
                                    

"EX"

Hi ex. Kamusta ka na? Ano ng ginagawa mo ngayon? Nakita nga pala kita kasama ng bago mo. Mukang masaya ka ah. Iba yung saya mo ngayon kaysa nung satin. Ano bang nangyari satin? Bakit tayo humantong sa ganito? Masaya naman tayo di ba? Ikaw pa nagsabi na walang susuko. Bakit ikaw ang sumuko? Bakit ikaw ang bumitaw? Bakit iniwan mo kong nag iisa? Masaya ka na. Ilang taon na ba tayong hiwalay? 2 yrs? 3 yrs? 4 yrs? Tagal na pala. Pero bakit hindi ko magawang maging masaya? Bakit ang sakit sakit pa din? Bakit ikaw pa din? Bakit hanggang ngayon umaasa ako na magkakaayos pa tayo? Tanging ang sakit na. Sobrang sakit na. Gusto ko ng maging masaya pero bakit? Gusto na kitang yakapin, halikan at hawakan kaso iba na ang gumagawa sayo nyan. Miss na miss na kita. Miss ko na ang masasayang ala ala natin. Hanggang ngayon di ko pa din maintindihan bakit iniwan mo ko? Anong dahilan? Anong pagkukulang ko? Binigay ko ang lahat pero bakit iniwan pa din? Bakit hinayaan mo kong nag iisa? Bakit di kna lumaban para sating dalawa? Siguro nga hindi tayo para sa isa't isa. Siguro nga may nakatadhana talaga satin pero tangina. Sana dumating yung time na ako na ulit ang mahalin mo. Ako na ulit ang yayakapin, hahalikan at hahawakan mo. Ako na ulit yung sasabihan mo ng "I LOVE YOU" "I MISS YOU" "KUMAIN KNB?" "PUNTA KO DYAN DAHIL GUSTO NA KITA MAKITA" "ANO GUSTO MO KAININ?". Ako na ulit yung nilalambing mo kapag galit ako. Ako na ulit yung magpapasaya sayo. Ako na ulit yung kasama mo sa good or bad days mo. Sana ako nlang ulit. Maghihintay ako kahit walang aasahan. Hindi ako bibitaw hangga't kaya. Nakakapagod pero kakayanin. Masakit ang magpaalam pero kapag dumating yung time na kaya ko ng magpaalam, gagawin ko. Don't forget that you're my forever LOKALOVES and I'm your LOKOLOVES. I love you always 😭💔

[I know na hindi niyo ko kilala pero sana mapost to.]

LOKOLOVES
05/01/2018 00:06:53
-
[OMG! HUHUHU I FEEL YOU. MASAKIT TALAGA ANG MAIWAN NG TAONG MINAMAHAL PERO SABI NGA NILA IT TAKES TIME PARA MAGHILOM ANG SAKIT. HINDI MO KAILANGAN MADALIIN ANG PAG'MOMOVE ON DAHIL LALO KA LANG MASASAKTAN. PAYO LANG, ALAM MO NG MAY IBA NA SIYA SANA NAMAN AYUN NA YUNG SIGNS PARA SARILI MO NAMAN MAHALIN MO. SABI MO BINIGAY MO LAHAT SA KANYA PERO INIWAN KA PA DIN. SIGURO NA'FALL OUT OF LOVE NLANG SIYA OR DI NA TALAGA SIYA MASAYA SAYO. (GANYAN DIN KASI SIYA SAKIN 😭) SIGURO MAS MABUTI NG BUMITAW KAYSA SAKTAN KA PA NYA LALO.  MADAMI KA PANG KAIBIGAN. HINDI NAMAN MASAMA MAGING MASAYA MINSAN. SAKA SALUDO AKO SA SINABI MO NA KAPAG KAYA MO NG MAGPAALAM GAGAWIN MO. SANA WALA KANG PAGSISISI NA SIYA ANG MINAHAL MO. DAHIL YUNG IBA SA SOBRANG GALIT SOBRA SILANG NAGSISISI NA BAKIT SIYA PA OR YUNG IBA KULANG NLANG PAKULAM (HAHAHAHAHA THAT'S ME. I KNOW 😑😂). MAGPASALAMAT NLANG DAHIL SA KANYA MAY NATUTUNAN KA, NATUTUNAN MONG MAGMAHAL, NATUTUNAN MONG MAGBIGAY NG WALANG HINIHILING KAPALIT, NATUTUNAN MONG MAGING MASAYA, MALUNGKOT AT UMIYAK. NATUTUNAN MONG DI LAHAT NG BAGAY NAAYON SAYO. NATUTUNAN MONG MAGING MATAPANG. NATUTUNAN MONG MAGING MATATAG SA LAHAT. KUNG KAYA'T KAPAG MAY NANLILIGAW OR NAGPAPARAMDAM WAG KA MATAKOT MAG'ENTERTAIN. (MAS MADAMI PA ATA YUNG SINABI KO HAHAHAHAHA. MYGHAAAD. SORRY NA)]
ADMIN CHEEKY

TBPH 2018Where stories live. Discover now