CHAPTER III

8 0 0
                                    

                       A B B I G A I L

"Huy hannah, anong nangyari dyan kay Gail? " narinig kong ibinulong yon ni Uno.

Akala siguro nila hindi ko sila naririnig. Nasa labas kami ng rest house nila at naisipan kong magbasa habang nasa duyan.
Sila naman ay nagkukumpulan sa gilid at kumakain ng mga prutas.

Hindi ko alam kung paano kikilos sa harap nilang lahat. Simula ng malaman ko 'yon ay parang nahiya na akong makihalubilo sa kanila. Hindi ko alam kung paanong aakto o makikitungo sa kanilang lahat.
I never imagine that I cause big trouble to their lives.

Naikwento din sakin ni Hannah yung mga nangyari kay na Uno. Naging babaero si Uno. Kaliwa't kanan ang naging babae niya. Nung nandon pa kasi ako, ako mismo ang pumipingot sa kaniya pag may babae siya. Nagagalit ako pag ginagawa niyang laruan ang mga babae.

Si Dos naman ay napadalas ang absent. Minsan nga daw ay papasok ito sa school ng naka uniform pero hindi naman umaattend ng mga klase at kung saan saang sulok ng school nag pupupunta.

Si Jake naman ay muntik ng bumagsak. Buti na lang at naayos agad nila ni Hannah.

Bago ako umalis maayos naman ang lahat. Ako taga pigil sa pagiging babaero ni Uno. Kaya ayun hindi siya nagka girlfriend. Hindi naman dahil sa pinagbawalan ko siyang mag girlfriend pero wala rin naman siyang sineryoso kaya ayun. Ako na mismo ang nagsabi sa kaniyang wag na lang niyang pag laruan ang puso ng babae kung di din pala siya seryoso.

Si Dos naman ay isa sa close ko. Mas matino siya kausap kung para kay Uno. Para ko na nga siyang Kuya eh. Hilig na talaga niya ang magbulakbol dati. Yun nga lang nagpipigilan ko pa siya noong nandito pa ako.

Si Jake naman ay ang pinakamatino sa kanilang tatlo. Dahil one year ahead sila ni Ely samin ni Hannah ay madalas pa silang mag yayang mag library. Minsan nga ay matutulog pa kami kay na Uno at Dos para lang sama sama ng magreview kahit di kami mag kaka year.

Hindi ko alam na ang pag alis ko pala ang magiging resulta ng mga 'yon. Parang gusto ko na tuloy kamuhian ang sarili ko at ang ginawa kong pang iiwan sa kanila. Alam ko naman eh.

Kahit hindi nila iniisip. Kahit nila ako sinisisi. Ako, alam ko sa sariling kong ako ang may kasalanan ng lahat ng iyon. Hindi tuloy naging maganda ang buhay nila. Imbes na mag enjoy sa school ay naging miserable pa para sa kanila.

"Gail ayaw mo ba talaga ng mangga? Paborito mo kaya 'to! " napatingin ako kay Dos. Inaabot nito sakin ang mangga. Wala sa sariling napa tingin ako sa mangga.

"Gelo, sambutin mo! " napatingin kami sa mga batang umaakyat ng puno ng mangga.

Marami itong bunga kaya di ko maiwasang hindi mag laway. Nakakatakam kasi at isa pa, paborito ko din ito.

Papunta kami ngayon sa bahay nina Ely dahil wala naman akong ginagawa sa bahay. Kalapit ang bahay nila sa may bukid kaya naman ang dami naming nadadaanang mga puno ng mangga. Di ko tuloy maiwasang mainggit. Gusto ko ding manguha!

"Mahal wag mo naman silang pakatitigan. Nakakapag selos! " napatingin ako kay Ely.

Napatawa ako sa itsura nito. Naka cross arms pa at bahagyang naka nguso na parang batang di naibili ng kendi.

Bahagya ko naman siyang kinurot sa tagiliran niya.

"Aray naman mahal! " daing niya kahit di naman masakit.

"Arte mo mahal. Di bagay sayo" natatawa kong sabi.

"Naku iniiba mo lang yung topic. Gusto mo siguro yung bata doon noh? Sino dun ha? Nang mabalatan ko na"

Forget Him NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon