CHAPTER IV

2 0 0
                                    

                       A B B I G A I L

Tumingin muna ako sa natutulog na si Hannah bago lumabas. Kanina pa kasi ako hindi makatulog at hindi ko naman magawang lumabas dahil baka nag iinom pa sila at ako na naman ang makita.

Tahimik na ang buong kabahayan nang lumabas ako. Wala ng nag iinuman sa salas kaya sigurado akong tulog na ang mga 'yon.

Napa iling na lang ako ng makita ang napaka kalat na sala. Naiwan ang mga alak at bukas na chichirya na ginamit nila. Lasing na siguro ang mga ito kaya wala ng lakas para makapag linis man lang dito.

Lumapit ako dito at pinulot ang mga plastic na basura at itinapon. Itinabi ko din yung ibang mga junkfoods na hindi naman nabuksan. Bubuhatin ko sana ang case ng mga beer ng mabilis ko itong ibinaba pabalik.

Ang bigat pala!

"Hey, let me help you" napatalon ako sa gulat ng may mag salita sa likod ko. Kahit na hindi ko tignan ito ay kilala ko na agad but still I look at him.

Hawak ni Ely ang isang mug sa kaliwa niyang kamay habang may dalang panlinis sa kanan. He doesn't look drunk.

"A-anong ginagawa mo dito? I mean, bakit di ka pa natutulog? " iniwas ko ang tingin ko sa kaniya dahil hindi ko kayang pantayan ang mga tingin niya.

"I was in the kitchen to make a coffee. You can sleep, ako na ang maglilinis dito" napatingin ako sa kaniya ng ibaba nito ang mug at lumapit sakin.

Mabilis akong umiwas. Mukha namang hindi niya iyon napansin at binitbit ang case ng beer.

"Hindi kasi ako makatulog. Tutulungan na lang kita"

Hindi ko na siya pinansin at sinimulang linisin ang salas. Hindi naman ito ganoon kakalat. Siya naman ay inilagay ang lahat ng case ng beer sa isang tabi. Kung magbuhat siya parang papel na magaan lang ang binubuhat niya.

Nang matapos ay dinala ko ang mga junkfoods na pwede pa sa kusina. Ewan ko ba at hindi talaga ako maka tulog. Napapadalas na nga ang insomnia ko.

Nakita ko pa siyang nag aayos ng mga beer sa salas kaya iniwasan kong makagawa ng ingay at mabilis na lumabas ng rest house. Hindi naman ganoon nakakatakot sa labas dahil ang daming ilaw na naka sabit sa mga puno. Like I'm in fairytale!

Umupo ako sa pahabang upuan at sumandal. Kitang kita ang mga bituin sa langit mula sa pwesto ko. Napakaganda at ang sarap sarap sa pakiramdam na makita ito. Nakakagaan nang sobra sa pakiramdam.

I could stay like this forever. If only forever do exist.

"Here" gulat akong napatingin sa gilid ko.

It was again, Ely. At ngayon ay may hawak na siyang dalawang mug. Yung isa ay inaabot niya sakin. Kunot noo ko siyang tinignan like I was asking 'what is that for'

"You told me 'di ka makatulog. I hope it still help you. " sabi niya.

Gulat man ay wala akong nagawa kung di kuhanin 'yon. I don't want him to disappoint. Umusod pa ako ng konti ng makitang umupo ito sa tabi ko. I'm not comfortable with him. And base to the space between me and him, it's clearly stated.

Tahimik sa buong paligid. Tunog lang ng mga kung ano anong insekto sa gabi at ang malakas na hangin ang maririnig. It's clam yet I'm hurt. My pain don't want to let me go.


Nakatingin lang ako sa ceiling ng kwarto ko. 12 na ng gabi at hindi pa din ako makatulog. Inaatake na naman siguro ako ng Insomnia. Gusto ko ng matulog but my eyes don't want.

Forget Him NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon