CHAPTER VIII

3 0 0
                                    

                       A B B I G A I L

Pagkapasok ko ay inilibot ko agad ang tingin ko sa loob. Hindi ko maiwasang mamangha sa laki at ganda ng kwarto niya. May isang king size bed na color gray sa gitna, may mini sala, may mini office at may dalawang pintuan. Cr siguro at saka walk-in closet.

"Mauna ka ng maligo. Dun yung CR" itinuro niya yung puting pintuan bago pumasok dun sa isa pa.

Mabilis naman akong pumasok sa loob ng CR niya. Kahit sa banyo ay hindi ko mapigilang mamangha. Ang lawak non. Langhap na langhap ko din ang amoy niyang napakabango.

Ganito na pala talaga siya ka successful. I wonder kung nakapasok na din dito si Cloe. Natawa ako sa sariling naiisip. Of course nakapasok na yun dito, fiance eh.

Minabuti ko na lang na pumunta ng shower room at maligo na. Ayoko namang magtagal pa dito kahit napaka sarap sa pakiramdam eh napaka akward pa ding isipin na nasa kwarto ka ng ex mo.

I was about to turn on the shower ng may maalala. Wala akong dalang kahit anong personal hygiene. Kahit shampoo man lang wala! Lintek naman oh. Ano na gagamitin ko?

Napatingin ako sa personal hygiene na naka hilera dito sa may shower room. Hindi naman siguro siya magagalit kung manghihingi ako noh?ayyy, bahala na nga! Kesa naman lumabas pa ako.

Naligo na ako na ang mga gamit ko ay ang mga gamit ni Ely. Feeling ko nga habang nagbibihis ako kanina ay mag kasing amoy na kami. Natatawa na lang talaga ako sa nangyari. Wag sanang mapansin nila Uno dahil patay na naman ako sa pang aasar ng mga 'yon.

Nang matapos ako kay dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng CR. Sumilip muna ako sa labas bago lumabas. Didiretso na sana ako palabas ng may mahagip ang mga mata ko. Agad kong nilapitan yung mga picture frame na nasa gilid. Wala pa naman si Ely eh. Sisilip lang ako ng konti.

Napangiti ako ng makita ang mga pictures. Wala siyang picture doon pero puro picture nina Tita at ng kambal lahat iyon. Hindi pa rin naman pala siya totally nagbabago eh. Siya pa din ang Ely na nakilala ko noon. Siya yung Ely na uunahin lagi ang mga mahal niya kesa sa sarili niya. Siya yung Ely na sobrang pinahahalagahan ang pamilya.

"Done?" mabilis akong napalingon sa gulat.

Nakatayo siya sa harapan ko habang dala dala ang tuwalya niya. Basa pa din at tumutulo ang tubig sa kaniyang katawan. Damn, so hot!

"Hey gail, are you okay? "  napaiwas ako ng tingin dahil sa tanong niya. Obviously tinititigan ko siya at alam niya yun. Nakakahiya tuloy!

"A-ah oo. Sige mauna na ako sa labas. Salamat" hindi na muli akong tumingin sa kaniya at mabilis na lumabas.

Pagkasaradong pagkasarado ko ay napasandal ako sa may pintuan. Mabilis ang pag hinga ko na para bang napakalayo ng tinakbo ko. Kelan ba darating ang araw na wala na siyang epekto sa akin?

Nang maging okay na ang pakiramdam ko ay mabilis akong bumaba sa salas. Naabutan ko dun si Hannah na nag pupunas ng buhok. Ngumiti lang ako sa kaniya ng tumingin ito sa akin bago ako naupo sa tabi niya.

Tinanggal ko ang tuwalyang nasa may ulo ko para sana magpunas na din ng buhok nang tumingin sakin bigla si Hannah.

"Saan ka nga pala galing bes? Bumalik ako dito pero wala ka na. Saan ka nakiligo? " takang tanong niya.

Ano ba ang dapat kong sabihin? Na nakiligo ako kay Ely? Siguradong aasarin lang ako nito pag sinabi ko.

Bago pa ako maka sagot ay nabaling na ang atensyon namin kay na Uno, Dos at Jake na sabay sabay baba ng hagdan at lumapit samin. Tapos na din pala silang maligo. Save by them, thanks!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forget Him NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon