Naalimpungatan ako ng may narinig akong tumatawag sa pangalan ko
"Mia nak. Gising na .. mia maaga pa tayong pupunta ng bayan para mag pa check up"
Ng imulat ko ang mata ko ay nakita ko si nanay..nako nakakahiya baka matagal na pala syang nakatayo dyan.
"K-kanina pa po ba kayo nay?"
"Hindi naman nak. osige na mag bihis kana at kumain sabihan mo lang ako pag tapos kana at ng makaalis na tayo"
Ngumiti ako kay nanay bago sya umalis. Kinakabahan tuloy ako sa check up. Siguro naman may pag asa pang maka alala ako. Baka may pamilya pa kong nag hihintay saken. At nakakasiguro akong meron din akong nobyo
*fast forward*
Hayyy salamat natapos na ang check up. Kung ano anong ginawa sakin at meron pang niresrtang gamot. Nawala ang takot ko ng sabihin ng doctor na it takes months or weeks daw bago ko makaalala. Eh? Months? Huhu hindi pwedeng months. Antagal pa non. Pano kung months nga? T_T
"Oh iha. Narinig mo naman ang sabi ng doctor. Makakaalala ka naman agad basta inumin mo lang yung mga gamot na nireseta at mga bilin ng doctor. Sa susunod na linggo uli ang sunod na check up"
Sabi ni nanay. Haaayy ayoko na din gaano mag tagal dito kasi baka nahihirapan na sila nanay. Medyo kapos din sila ngayon eh
"Oo nga po eh..ahhmm nay?" Kumamot muna ko sa ulo ko dahil nahihiya pa ko eh..bago ituloy ang sasabihin
"Salamat po sa pag aalaga nyo sakin..promise po kahit makaalala na po ako di ko po kayo kakalimutan"Sabi ko at binigyan sya ng isang malapad na ngiti..wahhh lumalabas na naman yung gilagid ko hehe
Inalalayan ko si nanay nung tumawid kami sa kabilang kalsada. D ko alam kung san na ang punta namin. Basta nag uusap lang kami habang nag lalakad."Ahh wala yun..salamat din kasi binigyan mo kami ng pag kakataon na maging magulang"
Naramdaman ko ang lungkot sa tinig ng boses nya. Kumunot naman ang noo ko bago nag tanong
"Bakit po ano pong nangyari?"
"Hirap ako mag kaanak. Pero biniyayaan din kami. Kaso nakunan ako non. At hindi na ulit ako nabiyayaan. Sinisisi ko ang sarili ko kasi sinayang ko ang pag kakataon"
"Ay nay!! Wag kana pong malungkot"
Sinabi ko agad yun kasi baka umiyak lang si nanay at madala pa ko. Lumapit ako sa ice cream vendor
"Nay ice cream po. Pam pa goodvibes hehhe"
"Osige nak"
Nalangiti ko naman si nanay..nung makabili na kami ay nag pa tuloy lang kami sa paglakad malapit lang naman eh hanggang sa tumigil kami sa may sakayan
"Alam mo na ba pauwi nak?"
"Hmm opo nay bakit po di po ba kayo sasabay"
"Hindi na anak. Mag titinda pa ko ng gulay sa palengke eh. Nandodoon na din siguro ang tatay mo"
"Nay tutulong na din po ako"
Nakangiti kong sabi..kasi wala naman akong kilala sa lugar na yon kung babalik ako maboboring lang ako tsaka baka mapahamak na naman ako..bigla ko namang naalala si gino. Bakit parang iba ang pakiramdam ko sa kanya? He looks very familiar.
Pero imposible naman kasing parte sya ng nakaraan ko ."Nak"
I need to find out..kelangan kong tulungan ang sarili kong makaalala uli
"Anak"
BINABASA MO ANG
amnesia lovers
Fanfictiondalawang lovers na nagka amnesia. ngayong natuldukan ang pag iibigan nila..may pag asa pa kayang matuloy?