"Ace?!" nagulat ako dahil nandito si Ace kaya napatayo akong bigla.
"Tell me Winter, bakit inaalam mo pa kung kailan babalik ang lalaki mo?" seryosong tanong nito.
"A-Ace a-ano k---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si Phoebe at tumayo na din.
"Ano bang pakealam mo Ace?" seryosong tanong ni Phoebe.
"Hey easy lang kayo guys..." pag-aawat ni Kuya Brent. "Ace pare akala ko ba ok na ang lahat?" tanong nito kay Ace.
"Pag napapasali ang kapatid mo dito hindi nagiging OK ang lahat Brent." sabi ni Ace at umalis na.
Sinundan ko ito at nang sasakay na ito sa sasakyan nito ay hinila ko ito.
"Ace, makinig ka sakin please naman oh." nagmamakaawa ang tinig ko.
"Bumitaw ka Winter, alam mong hindi din naman kita papakinggan." malamig na sabi nito.
"Hanggang kailan mo ba to gagawin Ace? makinig ka naman kahit minsan pang please."
"Ano ba sa 'ayoko makinig' ang hindi mo maintindihan ahhh?!?" medyo mas inis na himig nito.
"Mahal kita Ace." sabi ko sabay tinignan ito sa mga mata.
Nag-iwas ito ng tingin at inalis ang pagkakahawak ko sakaniya. "Hindi na kita pinaniniwalaan simula nung gawin mo yon sakin." huling sabi nito at pumasok ng kotse at umalis.
Nagtuluan ang mga luha ko. Ang sakit, sobrang sakit na parang dinudurog ng pinong pino ang puso ko. Napahagulgol ako sa sakit at hindi ko na namalayan na nakayakap na pala sakin si Phoebe.
"Everything going to be fine Winter. Always remember that everything happens for a reason, just wait till God let his will be done." pang-aalo sakin ni Phoebe.
I hope that may God open Ace's heart for me again.
-----+-----
"Winwin, bili tayo neto ohhh." kasalukuyan kaming namimili ng stock ng pagkain namin sa condo, at kasama ko si Ria na parang batang turo ng turo.
"Hindi naman natin kailangan yan ehh." sabi ko dito at hinila ito sa bilihan ng mga easy to made foods, para pag wala ako sa condo may makakain parin ang mga bruha.
"Gusto ko yun ehhh, bilis na kukuha ako stick-o isang garapon lang." pagpupumilit ni Ria.
Wala kasi si Phoebe ngayon may pinuntahan, si Arniea naman bumalik na sa airlines, kaya no choice ako si Ria ang nasama ko mamili ngayon.
"Ria isa pa kukurutin ko yang kapatagan mo sige, kanina kapa kuha ng kuha ng hindi mga kailangan. Mapupuno natong cart sa mga pinagkukuha mo." sabi ko dito.
Nagpout ito at pinabayaan akong mamili. Nakapila na ko sa cashier ng biglang umalis si Ria sabi niya magccr kaya hinayaan ko na.
"Ma,am yun lang po ba lahat?" tanong ng cashier.
"Yes, How much lahat?" tanong ko.
"Two thousand nine---" hindi na natuloy nung cashier yung sasabihin ng biglang sumingit ang baliw kong kaibigan na kung saan na pang sumulpot.
"Wait lang teh!! add mo din ito..." at nilapag ang tatlong garapon ng stick- o. "siya magbabayad niyan." sabay turo sakin. Napatingin sakin yung cashier at si Ria tuwang tuwa ng tumango ako doon sa cashier.
"Three thousand one hundred twenty two pesos po ma,am." sinabi nung cashier yung presyo at naglabas ako ng three thousand five hundred pesos at ibinigay dito.
YOU ARE READING
PLAYFULL Mistake
Romance"I'll serve the most delicious food you ever taste My Labs..." -Winter Naome Alcantara