Chapter 7 ( Heaven's Feeling )

8 0 0
                                    

Eto kami ngayon ni Carl at ni Bess Naglalakad patungong school, nakasanayan ko ng maglakad patungong school para tipid sa baon and may exercise pa diba! ayos din.

"Oy princess di ko kayo nakita nung isang araw ha! namiss tuloy kita " Pagbabasag ni carl ng katahimikan.

" Oo nga noh! absent pala sya , diko napansin!" Bess

"Teka san kaba galing nun carl!" Pagtataka kung tanung.

"Ohh! concern ka bess? himala" bess

"Ulol! ako! dina , natanung ko lang kasi di niya ko nalibre nabawasan ko tuloy allowance ko " yun naman talaga ey! promise kasi niya na ililibre ako tapos malalaman ko nalang na absent siya! aba'y maduga.

"Ahh may inasikaso lang akong mahalaga " nakangiting sinabi ni carl.

"Ah kaya pala! duga mo kasi ey kaya dapat libre moko mamaya ha " nagpuppy eyes pa si princess para lang malibre , pangload rin yun noh!


"Aba dapat di naiiwan si bestpren dyan! go ako dyan!" pagsisingit ni bess.

---

Nang nasa loob na kami.

"Princess maiiwan ko muna kayo ha , may gagawin lang ako " pag eexcuse ni carl.

"Ohh! cge basta mamaya ha" ako

"Oo" at tuloyang nawala na sa paningin ko si carl san nanaman kaya yun parati nalang naalis.

*ring / ( nagringphone ang phone ni bess)

"Bess wait lang ha,sasagutin ko lang ito" bess

"Ah sige" ako

"Bess maiiwan muna kita ha may gagawin lang akong mahalaga promise! kita nalang tayo sa room!" at mabilis na nawala si bess, grabi my powers ata yun na mabilis tumakbo! iniwan agad ako sa ground ni hindi niya muna ko pinasalita ah.

Nagsimula na akong maglakad patungong room namin.

"Ate oh " may lumapit sakin na babae at binigyan ako ng red rose! gash its my favorite flower pano niya nalaman yun! teka bat pala ko binigyan ng rose neto. Makapagtanung nga.

"Ate Bat-" Ay bastos iniwan ako.

Nang papapalapit ako ng papalapit sa room marami namimigay na flowers sakin di ko maintindihan bat nila ko binigyan ng mga ganito! oras kona ba at binibigyan nila ako ng ganto wag naman! pagnagtatanung ako di naman ako sinasagot! hayst


Nang nasa room nako bat walang tao! wala bang pasok ,diko alam pero alam ko meron tss macheck nga sa loob kung wala talaga.

Okay open kona nga.

Pagbukas nashock ako kasi nasagitna si josh! tapos mga kaklase ko nasa gilid! tapos alam moba may hawak sila na 'will you be my girlfriend again princess' tapos sinigaw nila yun nung pagpasok ko tapos nagtapon sila ng confetti tapos may balloon pa! grabi this is true ? or its a dream lang? pero kinurot ko kamay ko at nasaktan ako! totoo nga , pero eto ba ang purpose ni josh kaya nakipagbreak siya kay sandra!? masasaktan nanaman bako neto ayaw kona!

Lumapit sakin si josh at lumuhod at binigay ang sandamukal na flowers, at tinanggap ko naman ito! Bess nasan kana ba ! bat ngayon kapa nawala kasi , ineed your help.


At may sumigaw sa likod ko na "Yes nayan !" Paulit ulit pa nya sinabi at ng mga kasama niya! teka kilaLa ko ung boses nayun ha! si bess yun at tumalikod ako at nakita ko si bess kahit na andaming tao . Parang lang magpropropose si josh noh!

Okay wala nakong magagawa!

"Yes Josh again and again!" at tumayo si josh sa pagkakaluhod at niyakap ko siya .

"bebe ko wag mona kong saktan please!" bulong ko sa kanya

"Oo bebeko" Josh


"Hindi maaari to! josh diba mahal mo ako! sabi mo yan ! sabihin mo sakin na hindi mo mahal yang babaeng yan !" Nag eskandalo si sandra sa amin moment na namin to ey panira!


"Tumigil kana sandra! walang tayo! its just deal with in 1 year! buti napagtyagaan kita sa kamalditahan mo ! " Sigaw ni josh sa room! grabi ang tensyon dito.


"Walang hiya ka! pagbabayaran moto josh and Cess! " Pagduduro ni sandra samin.

"Haha! okay kaylan ba? at mapaghandaan ko naman!"Singit ko at tuluyan ns siyang umalis!

"Mabuhay ang bagong magsyota! at nawala na si kontrabida!" singit rin ni  Bess , may lahing kabuti ata ito ey.

Sana kung panaginip ito, sana hindi nako magising pa.

"Sorry sa lahat cess ng nagawa ko! at sana mapatawad moko" bulong ni josh

"Okay lang josh napatawad na kita" bulong ko .

"Beyb si jane kasabwat pala dito sa plano ko"

"Aba beyb na agad! Tss kaya pala iniwan ako!" ako


"Ah ey Hehe s-sorry bess" pagsisingit ni bess .

------

Carl Pov.

Hi first Pov ko to and alam kong kilala nyo nako ( smile )

Iniwan ko muna si cess at jane sa ground may gagawin kasi ako at kaylangan may move nakong magawa sabi ng parents ko.

Pupunta muna ako sa pabilihan ng flowers at chocolate para sweet! Kaylangan ligawan kona siya ng maaga pa!

Nang nakapunta nako sa school grabi ang usapan nakiosyoso nalang rin ako.

"Ah pre pwedi magtanung kakarating ko lang kasi dito anu ba ung usapan dito ?" Ako

"Ahh yun ba! pre kilala mo yung ex ni princess sa room 555 building A! si josh! naging sila ulit grabi andaming gastos niya sa preparasyon para dun! sabagay mayaman naman at napasagot niya na ulit si cess"


"Ah salamat pre ha!"


"Sge pre mukhang aakyat nang ligaw karin ha! maiwan nakita" at umalis narin ung taong napagtanungan ko grabi parang close na kami nun ha.


Nagtungo nalang ako sa room namin at nakita ko nga si josh na kayakap niya si princess mukhang masaya na nga si cess at masaya na ako para dun!


" Ah miss ! sayo nalang oh " binigay ko nalang yung flowers and chocolates sa babaeng nakikiosyoso din doon!


"Aahh salamat pogi!" at umalis nako sa lugar na iyon mukhang hindi maganda ang arrange marriage na naisip ng pamily ko . masasaktan ko lang si cess! ayaw ko mangyari un.

Alam niyo simula first day palang may pagtingin nako kay cess ! di ko alam , natamaan ako ng pana ni kupido ngayon ko lang napagtanto na maganda siya at na love at first sight ako kay cess ! natatamaan pala ako ng ganitong feeling! never ko pang naramdaman ang feeling na nararamdaman ko ngayon , ngayon lang talaga ito! at simula nun sinabi ko sa family ko na gusto ko mapangasawa si princess  , sa katunayan nga alam na ito ng parents din niya dati pa sila magkakilala ng mga magulang ko kasi sa business nga!  pero ako hindi! , kasi hindi ako sumasama kila dad bookworm kasi ako hilig ko na iyon.

End of Pov.

------

Bitin ba kayo?

Gulat kayo noh! may lihim na pagtingin pala si carl kay princess well tignan ang susunod na chapter!

100 votes plith and comment narin .

-

Ms.Otor.

Hanggang paghanga nalng ba?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora