[4] Be Careful On What You Wish For

139 3 0
                                    

Malalim na ang gabi, nagsimula ng kumonti ang tao sa bulwagan ng malaking bahay nina Jam.

Isa-isa na ring nagpaalam ang mga kaibigan niya.

“tita Flor, tito Adrian, mauna na po kami.” Pagpapaalam nina Sherwin.

“pare una na kami, maiiwan ba kayo dito?” tanong ni Sherwin ng tumingin siya kay Jed.

“maya-maya aalis na rin ako pare.” Sagot ni Jed.

Humalik si Joan at tinapik ang balikat ni Jed.

“Jed una na kami ni Sherwin,”pagpapaalam ni Joan.

“sige pare, ingat kayo ah?”

“okay pare see you again tomorrow night.”

At sumakay na sa kotse ang magkasintahang Joan at Sherwin.

Bahagyang tumikhim si Marenz.

“ah Jed, kung pwede ihatid mo na lang din ako sa amin mamaya.”

“okay sure Marenz.”

“magkape muna kayo hija, hijo” aya ni tita Flor sa dalawa.

“sige tita, susunod na ako sa kitchen.”

Nauna na si Marenz sa kusina upang kumuha ng kape.

Naiwan namang nakaupo si Jed sa harap ng kabaong ni Jam.

Minsan pa ay naisip niya ang pagtawag ni Jam at pagpapakita sakanya.

Napayuko siy Jed. Nalulungkot na naman siya.

Bahagya niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.

***

Nakita niya sa kaniyang balintataw si Jam.

Nakadamit ng puti at mahaba. 

Malungkot na malungkot ang itsura nito.

Nilapitan niya si Jam.

Hinaplos ang kanyang pisngi.

Buhay na buhay ito sa kanyang isipan.

“Jam, im sorry!” tanong ni Jed.

“Jed….bakit? ”

***

“Jed, etong kape mo!” saad ni Marenz.

Bahagya siyang nagulat at biglang nag-angat ng ulo.

Naputol ang sasabihin ni Jam sa kanyang isipan.

Simula ng mamatay si Jam kahapon ay balisa at tuliro na siya.

First time niyang makakita ng multo, at makaramdam ng hindi pankaraniwan.

Inabot niya ang kape, bagama’t naiinis siya kay Marenz dahil sa biglang pagsulpot nito, hindi tuloy niya naituloy ang kanyang panaginip, ------ kung panagainip nga iyon, alam niyang gising siya.

“sa-salamat Marenz..” saad ni Jed habang nilagok ang kape.

Umupo naman si Marenz sa kanyang tabi.

“pagkatapos nito, uwi na rin tayo?” saad ni Marenz.

“ah…sige..” matamang sagot ni Jed.

Inubos naniya ang kanyang kape. Tumayo siya at nagtungo sa kusina ng bahay.

Isa-isa na siyang nagpaalam sa kanyang mga kaibigan.

“guys maiwan ko na kayo..” saad ni Jed.

“okay Jed, wag muna kayong umuwi sa bahay niyo, drop by kayo maski sa isang place lang ha?” paalala ni Marj.

“bakit..?” takang tanong niya.

Be Careful On What You Wish ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon