[7] Be Careful On What You Wish For

135 3 1
                                    

Kakagising pa lamang ni Jed ng umagang iyon nang biglang magring ang cellphone niya.

Si Sherwin pala ang tumawag.

“pare, si marenz nasa kulungan!” ani Sherwin.

“ha? Papaanong nangyari yun?”

“kagabi kasi sa lamay ni Jam, nag pang-abot si Ruby at Marenz, pinagbintangan ni Ruby na si Marenz ang pumatay kay Jam kesyo siya ang huling nakasama nito. Kakatawag lang sa akin ng kapatid ni Marenz para ipaalam na hinuli siya ng pulis, kawawa nga eh..” saad ni Sherwin.

“o sige sige pare, dadaan na lang ako sa presinto mamaya pagkagaling ko ng simbahan.”

Lingo noon iyon at nakaugalian na niyang magsimba.

“hindi ka ba pupunta kina Jam? Bukas na ang libing niya ah.” Saad ni Sherwin.

“ano ka ba pare, syempre pupunta ako..mahal na mahal ko si Jam, maski hindi niya ako mahal..”saad niya sa napakahinang boses.

“pare may sinasabi ka ba?”

“ah wala wala!”

“o sige pare, bye muna see you later na lang!”

“okay bye.”

Iyon lamang ang naging usapan nila at agad na itong pinatay ang telepono.

Bumangon siya at nag inat. Pag yuko niya ng kanyang ulo ay napalundag siya pabalik sa kama dahil may nakita siyang mga paa.

Ngunit wala namang tao sa kanyang harapan.

Ipinagpasya niyang mag shower na ng mabilisan upang makapagpalit na ng damit at ng makasimba na.

****

Abalang-abala ang mga tao kina Jam, maaga pa lang ay busy na sila para sa preparasyon ng kanyang libing. Nakaupo silang lahat at nagdarasal ng biglang natumba ang kanyang ina na si tita Flor.

Nagsigawan ang mga tao. Kitang kita nila kung paano nangisay si tita Flor sa sahig.

Nasasaniban ito!

“Flor!!! Flor!!!” sabay yugyog ni tito Adrian sa kanyang asawa.

“anong nangyayari sayo Flor!” niyakap niya ito ng mahigpit.

Nagsimulang magsalita si tita Flor.

“da-daddy?” umiiyak ito.

“dad, tulungan mo ako, si Marenz…si Marenz..” saad ni Flor, ngunit ang nakapagtataka ay boses ni JAM!

Sinaniban niya ang kanyang ina.

Pagkasabi ng mga katagang iyon ay bigla na lamang nawalan ng malay si tita Flor.

“si marenz? “ saad ng lahat.

Ibig sabihin siya ba talaga ang pumatay kay Jam!

Galit na galit na kinarga ni tito Adrian si tita Flor at ihiniga sa mahabang sofa. Dagli namang kumuha ng tubigna maiinom ang mga tao sa paligid upang ipainom kay tita Flor oras na gumising ito.

Ilang sandali pa ng pag papapaypay ay nagsimulang imulat ni tita Flor ang kanyang mga mata.

“anong nagyari sa akin?”

“nasaniban ka eh..”

“ha? Sino? Paano?”

“wala ka bang maalala?”

“wala eh..”

“kanina nung nagdadasal tayo bigla ka na lang nangisay, pagkatapos ay nagsalita ka, boses ni JAM ang anak natin…”

Be Careful On What You Wish ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon