Kathryn's Point of view-
Ako si Kathryn Bernardo. Senior highschool nko nitong darating na school year. I'm a transferee, kasi nakakuha ko ng scholarship sa University na yon. Kailangan ko yung scholarship para makatulong sa magulang ko. Oo, hindi kami mayaman. Pero ginagawa ko lahat ng makakaya ko para umunlad ang pamilya ko.
Nagta-trabaho ako. Pero part time job lang. Para makatulong ako sa magulang ko. At dahil student pa nga lang ako, wala pa kong permanenteng trabaho.
May kumatok sa pintuan ko. Bumukas iyon at nakita ko si Mama.
"Nak, okay lang ba talaga sayo na lumipat ng eskwelahan?" Mama.
"Opo naman ma. Scholarship din yon. Sayang naman kung di ko tatanggapin, makakabawas din yun sa gastusin natin." Ako.
Nakita kong ngumiti si Mama. Lumapit sya sakin at niyakap ako.
"Napaka swerte ko talaga sayo nak. Mag-aral ka mabuti ha. May tiwala ako sayo." Mama.
"Syempre ma, di ko kayo bibiguin." Ako.
Naghiwalay na kami sa yakap.
"Sige nak, ayusin mo na mga gamit mo pagkatapos bumaba ka na at kumain na tayo. Maaga ka matulog, first day of school mo pa naman bukas." Mama.
"Sige po ma. Susunod na po ako sa baba."
Inayos ko na mga kailangan ko para sa school bukas.
Haaay. Ano kaya mangyayari sa bago kong University? Magiging maayos kaya ako dun? Kasi naman, pang mayaman talaga yung University na yun. Pero kagaya nga ng sinabi ko. Sayang yung inaalok nilang scholarship. Grab the opportunity.
Bahala na..
Lumabas na ko sa kwarto ko saka bumaba.
"Oh nak, kain na." Mama.
Umupo na ko, kaharap ko si mama.
Nakalimutan kong sabihin. Kaming dalawa nalang ng Mama ko ang magkasama at nag tutulungan. Wala akong kapatid. Yung tatay ko naman, ewan ko kung nasan. Ni-hindi ko nga nakita itsura nun.
"Anak, sabihin mo lang sakin kapag nagka problema ka sa eskwelahan mo ngayon ha." Mama.
"Opo ma." ako.
Kumain na kami ng tahimik.
Pagkatapos naming kumain. Niligpit ko na yung mga pinagkainan namin at nilagay sa lababo.
"Kath, sige na. Ako na jan, umakyat ka na at matulog. Maaga ka pa gigising bukas." Mama.
"Okay lang ma. Ako na maaga pa naman."
"Nako anak. Ako na nga, sige na matulog ka na."
Hay. Ang kulit talaga ni mama.
"Sigurado ka ma?"
Tumango naman sya.
"Sige ma. Akyat na ko ha. Good night po!" ako.
"Sige nak, good night." Mama.
Umakyat na ko papunta sa kwarto ko.
Sana maging komportable ako sa bago kong papasukan.
---
Okay. Done :)
BINABASA MO ANG
I fell inlove with a GANGSTER
FanficThis is a kathniel story. Read more about how an ordinary girl fall inlove with a GANSTER. Even he always make her cry.