Chapter 1

111 8 12
                                    

Zaylee's Point of View~

"Ayaw mo ba?'' Malamig kong tanong kay Michael..

Balak kasi naming magkakaibigang maghiking ngayon,Ang arte lang nitong lalaki na to. Psh.

"Pretty please!'' Pilit ni Sabrina, Ngunit umiling lang si Michael.

"Pumayag ka na kasi!" Inis na sambit ni Diana. Na halatang napipikon na.

"A.YO.KO." Matigas na sambit ni Michael.

"Ang KJ mo naman eh!'' Sigaw ni Nami kaya napatakip kaming lahat ng tenga.

Lakas talaga ng boses niya. Tsk.

"Psh. Sumama ka na.'' Sabi ni Kian, Sabay batok kay Michael. Kaya hinimas naman ito ni Michael.

"Ang sakit nun ah! Inggit ka lang mas gwapo ako sayo!" Pag-iinarte ni Michael... Ang lakas niya talagang mangbully.

"Say yes o sabay sabay ka naming babatukan?" Seryoso kong banggit at tinitigan ko siya ng nakakatakot at seryoso.

"Blinablackmail niyo ko ah!! Hmp! Pero sige na nga.. for my best ugly friends." Inirapan naman namin sya.

"Hoy! Anong ugly?! Ikaw lang ang ugly sa barkadang to!!" Bulyaw ni Nami na napatawa si Sabrina.

"Lets go pack your things." Poker face na sabi ni Diana.

"We are going to the ****** Forest. Sabi kasi sa info maganda yun paghikingan. Malawak yung lugar at may mapa na ako." Sabi ni Anthony, ang brainy sa amin. Ngayon lang siya dumating. Nagsearch pa kasi yan ng magandang pag-hikingan.

Nauna na kong lumayas sa scene at dumiretso sa garage. Bakit? Pupunta ako sa bahay namin kukuha ako ng clothes at magbibihis na rin ako.

Sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive pauwi, Binuksan ko nalang ang radyo ko dahil nabibingi na ko sa katahimikan.

"Ohh shit." Napamura nalang ako ng may sumulpot sa harap ko at muntik na kaming magbanggaan.

Binilisan ko nalang ang pagmamaneho sa kotse ko wala akong pakialam kung todo na yung speed limit ko.. Naiinis kasi ako sa sasakyan na muntik nang bumangga sakin. May saltik ata yun sa ulo. Psh.

Nang makarating ako sa bahay. Nagbihis na ako.

***

Napatingin na ako sa salamin. Nagsuot ako ng Cap, Black rubber shoes, White shirt, shorts. Nagdikit rin ako ng mosquito patch sa damit ko para hindi ako kagatin ng lamok.

Kinuha ko yung backpack ko at linagay ang tumbler ko, bimpo, extra clothes, gadgets, extra food and first aid kit.

Nilakad ko nalang ang bahay ni Anthony, kapit bahay lang kami.. sasabay nalang ako sakanyang pumunta sa bahay ni Diana... Kung saan pinilt nila si Michael na sumama.

"Annyeong." Bati ko kay Anthony nang nakita ko siyang lumalabas sa gate nila.

"What are you doing here?" Tanong niya.

"Sasabay."

"Ok."

Sumakay na ko sa likod ng Hilux niyang kotse. Hindi ako pumasok sa loob sa likod ako. Ay. Ang unli ko naman! -_-

Nang makarating kami sa bahay nagsi akyatan rin sila sa likod gaya ko... Psh, copycats.

***

Makalipas ng ilang oras nakarating na kami sa papasok ng forest. Maganda ang view, at napakatataas ng mga puno.

Infernum UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon