Chapter 1

11 2 0
                                    

Chapter 1

Meet her

Ciara's POV

"Uwaaaaaaaa!"

Yay! Umaga na pala!

Another gising, another blessing.

Dali dali akong bumangon sa aking higaan at inaayos muna ito bago ko ayusin ang sarili ko.

"Cia! Bumaba ka na dyan! Nakahanda na ang almusal!" sigaw ni Mami mula sa baba.

"Opo mami!"

Pagkatapos mag-ayos ng higaan, nagsuklay at naghilamos na ako.

Bumaba na ako at ng makakain na.

"Hmmmmm. Mami, the best ka talaga! Ang sarap po ng luto nyo!"

"Niloloko mo ba ako Cia? Ganyan naman lagi ang almusal mo ah, itlog with ampalaya anung the best dun?"

"Mami naman di mabiro. Hihihi"

Irap lang ang natanggap kong sagot kay Mami.

--

"Langit kaaaa! Lupa ako. Hanggang tanaw na lang ba tayo?" ♪♪

Pakanta kanta ako habang naliligo. Yay! The water is so cold.

♪Mahal kita,mahal mo ba ako?♪

Bakit parang may nakatitig?

Hmmm. Itinigil ko muna ang shower at lumingon-lingon.

Wala.

Dapat lang noh na walang tao. Nasa banyo kaya ako.

Close naman yung bintana. Lock naman yung pinto.

"Hay. Imagination ko lang siguro..Kapal lang talaga ng mukha ko para mag-isip na may nakatitig sakin" bulong ko sa sarili ko.

.

.

Ready to go na ako!

"Mami! Alis na po ako!"

"Sige anak..Mag-iingat ka hah!"

"Yes mami" paalam ko.

Pumara na ako ng Taxi at sumakay.

"Kuya sa Chastain University po."

Tumango lamang si Manung Taxi Driver.

Ciara Reese Lopez.

18.

Pure Filipino.

IT student at Chastain University.

Simpleng dalaga lang naman ako. Di mahirap di naman masyadong mayaman. Yung average lang.

Katulad din naman ako ng ibang mga babae dyan na nagkakacrush. Nagdadaydream. Nangangarap na magkaboyfriend ng gwapo,matalino,gentleman,maka-Diyos at mayaman.

Nangangarap na makapagtapos ng kolehiyo at makahanap ng trabaho para masuklian ang kabutihan ng aking mga magulang.

Mahiyain? Medyo.

Maganda? Oo naman. Lahat ng tao nilikha ng Diyos na maganda at gwapo, well kung sa tingin mo sa sarili mo ay pangit. Di ka nilikha ng Diyos. *^▁^*

Matalino? Pakitanong nalang sa Teachers ko.

Sexy? May Babyfats ako.

Maputi? Yis. Hihihi.

Maporma? Konti lang.

Friendly? Sa pagkakaalala ko halos 3/4 na students sa Chastain University ay kilala ako at masasabi kong kaibigan ko na .

Mabait? *^▁^*

Maldita?^O^

Matatakutin sa multo? It's a big N-O.

It's her.

Finding JackyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon