Hello guys! So yeah I'm here again. Maguupdate ako ngayon dahil next week is our Prelim Day so baka di ako makapag update but don't worry guys nagsusulat parin ako para diretcho publish nalang. So see you next next week guys! Love you 💕💕
----------
Napadilat ako ng may maramdaman akong basa sa balat ko. Nakita kong nasa isang park ako ngayon at nakaupo sa isang bench.
Napatingin ulit ako sa balat ko ng may pumatak ulit. Doon ko lang napagtanto na umaambon na pala at mukhang papalakas na. Tiningnan ko ang paligid, may mga taong nagtatakbuhan para sumilong, may mga tao rin binubuksan ang mga payong at may mga tao rin naglalakad na tila ba'y hindi umuulan.
Te-teka bakit nga pala ako nandito ?!
Bigla ko namang naalala yung sa China, sila Master Renjo at Dao Ji. Agad ko namang kinuha yung cellphone ko sa bulsa at tinignan yung Date at oras.
January 1 2017
5:30 PMSo totoo nga! Bumalik ko sa dati!
Master DaoJi, kung naririnig mo ako ngayon thank you ! Pero bakit mo naman ako dito dinala at mukhang uulan pa ha!
Tumayo na ako sa bench na inuupuan ko at naglakad. Napangiti nalang ako dahil naalala ko bigla kung ano ang mission ko at kung bakit ako nandito.
Lalong lumakas ang kanina'y ambon lang. Kaya naman napa takbo narin ako ng wala sa oras at agad sumilong sa isang waiting shed.
Nagpupunas ako sa balikat ko ng may biglang sumilong. Tinignan ko ito, nakahood na jacket, naka denim pants, nakamask at naka cap. Tanging ang mata at pilikmata lang niya ang makikita mo.
Yung totoo holdaper ba'to?
Jusme wag naman sana! Ayaw ko pang mamatay.Sakto namang may dumaan na sasakyan sa tapat namin at napatingin siya sakin kaya naman nakita ko ang mahahaba niyang pilikmata at cold but beautiful eyes niya.
Mukhang di naman siya magnanakaw.
Napaiwas na ako ng tingin dahil baka isipin nito na pinagnanasaan ko siya but its true! Ang gwapo niya kahit mga mata at pilikmata palang ang nakita ko.
Lumipas ang ilang oras ay may dumating na isang lamborghini na sasakyan sa tapat namin at may bumabang isang lalaki na may dalang payong na itim. Ang isa ay nasa kanan niyang kamay na nagsisilbing payong niya at ang isa naman kung saan nasa kaliwa niya ay nakatiklop.
Akala ko magpapark lang siya sa tapat namin pero akala ko lang pala yon. Dahil dumiretso siya sa lalaking kasama ko ngayon.
"Master, I'm sorry I'm late" at nagbow ito sa harap nung kasama ko
Medyo may katandaan narin itong lalaki kumpara dito sa nakasama ko.
Walang ibang sinabi yung kasama kong lalaki kundi tumango nalang din. Kinuha niya yung isang payong na itim na para sakanya at inabot sa akin.
Teka?!sa akin??
Nakatingin lang ako doon sa payong na itim. Hindi ko alam kung kukunin ko ba ito o hindi.
"Take it"
Ang lamig ng boses pero ang sarap pakinggan.

BINABASA MO ANG
352 Days with Him
General FictionAko si Yumi Jane Suarez, Binigyan ako ng isang pagkakataon para balikan ang lahat. Balikan ang lahat para mapigilan ang hindi dapat mangyari. Ang tanong mapipigilan ko kaya?