"Teka! Anong ginagawa mo ?!"Tanong ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Hindi ko siya mamukhaan dahil medyo blurred yung mukha niya.
Hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy lang niya ang ginagawa. Nagsisindi siya ngayon kandila.
Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwartong ito at nakasarado lahat. tanging ang ilaw lang ng kandila ang nagbibigay liwanag dito.Magpapakamatay ba siya?! Shems! Please wag naman sa Harap ko!
Hinawakan ko ang kamay niya at nagulat ako nang maramdaman ko ang balat niya. Kaya naman napalingon siya sa akin.
"Wha-what are you doing here?! How did you get in?" takang tanong niya sakin.
Te-teka?! Totoo ba'to? Nahahawakan ko siya!! Nararamdaman ko mismo ang mga kamay niya?!
"What are you doing here?!" tanong niya sakin dahilan para mapabalik ako sa realidad.
"Ah-ano-ahm" bakit ganito kinakabahan ako. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"How did you get in?" seryoso niyang pakikipag-usap sa akin
"Magpapakamatay ka ba? Ano'tong ginagawa mo?"
"It's none of your business! I'm tired! I just wanna end my life! So tell me! How did you get in here?! "
he's tired of what? And He wants to end his life ? But why? Langya ! NapapaEnglish tuloy ako dahil dito sa lalaking to. Nosebleeeeeed!.
"Please! Don't die! Please!"
Hindi ko alam pero yun lang yung lumabas sa bibig ko at napaiyak nalang ako.
-----------
Nagising ako nang may narinig akong nabasag mula sa baba kaya naman bigla akong napabalikwas sa higaan.
Ano na naman ba yun? Ang weird ng panaginip ko. Sino yung lalaking yun?.
Teka bakit ako umiiyak??
Hindi ko mapigilang umiyak. Parang totoong nangyari sa panaginip ko.
Sino siya? Bakit ganito ang epekto niya sa akin?.
------------------------
A/n:Done na po ang prologue. Sana po magustuhan nyo. 😊😊
Please Don't forget to Vote !
Love you guys😘

BINABASA MO ANG
352 Days with Him
Fiksi UmumAko si Yumi Jane Suarez, Binigyan ako ng isang pagkakataon para balikan ang lahat. Balikan ang lahat para mapigilan ang hindi dapat mangyari. Ang tanong mapipigilan ko kaya?